Friday, August 06, 2010

Hindi ako umiyak pero malapit na malapit na..

Masakit lang isipin na may kaibigan kang gustong makasama pero hindi ikaw ang gusto niyang kasama.

P*ta /wrist moment yun ah.

Pag si Kaibigang A ang mag-aaya, hala sige. Keber sa komplikasyon. Pag si Kaibigang B ang nag-aya, walang pag-aalinlangan. Pag si Kaibigang Z mag-aaya, katakut-takot na pilitan at negosasyon pa ang kailangan.

Langya. Tamang nakikilimos na nga lang sa atensyon at oras.

Yelo. Kailangan ng puso ko ng yelo. Pangpamanhid lang.

No comments: