That twenty-something girl is now in her thirties. Still grappling life, still travelling.
Thursday, February 26, 2009
Ang Bakasyong uhmmm..
an entry from my Multiply tungkol sa aming supposedly bonggang bakasyon that went bzzzt. hehe for lack of appropriate word/s.
##
mahaba-habang kwento ito. tsk tsk. for the benefit of the friends who want to find out kung anu-anong kamalasang dumating samin ni JC sa trip na ito, eto na ang chance nyo na malaman.
On time naman ang paglapag ng Cebu Pacific sa Bancasi Airport (Butuan). Sumakay ng van papunta Surigao. Unfortunately, nahuli lang kami ng 10 minutes sa kaaalis lang na RORO papuntang Siargao. Ang pinakamalungkot kasi dun, kaisa-isa lang na bumabyahe yun, Sunday pa non at hindi na kami pwedeng bumalik kinabukasan due to time constraint. May sinusundan naman kaming schedule in fairness. Oh well, with sad hearts and full-time panghihinayang at konting pagkaines ay kumain na lang muna kami ng late lunch. After mahimasmasan ay nagplano na ng susunod na hakbang.
Salamat Pam sa pagpo-provide ng mga detalye papunta dun sa San Jose.
So, sumakay kami ng ferry boat papuntang San Jose, Dinagat Islands (go Google it) para naman may mapuntahan kami at makapag-beach pa rin. Pero kamalas-malasan nga naman talaga, inulan pa kami bago pa sumakay ng bangka. As in BASA talaga! Iniisip nga ni JC kung tutuloy pa ba kami sa ganung klaseng weather, pero in fairness naman ay dumaan lang yung ulan. ganun ata talaga panahon dun. So, sumakay na nga kami sa bangka, aba akalain mong ulanin ulit kami sa gitna ng dagat por dios y por santo. Pero katulad nga nung nauna, dumaan lang ulit yung ulan. Grabeng paglalaro ng tadhana.
Pagdating sa San Jose, naghanap agad ng matutuluyan for the night. Mahirap na kasi. Sabihin na lang natin na ang bayan ng San Jose ay yung tipong di naman talaga pinupuntahan ng mga turista, wala nga silang matinong mga resort houses at kainan e. Pero I think, kung marami kang pera, marami din namang magagandang lugar na pwedeng puntahan sa Dinagat Islands. As in. But since walang pera, stuck kami dun. Tinawaran namin yung lugar na pag-sstayan namin, pumayag naman sina ate since kami lang ata ang bisita dun.Banyo lang ang may ilaw at kailangang mag-motor pa papuntang Poblacion para bumili lang ng pagkain. Okay naman yung dagat, kahit anlayu-layo mo na e mababaw pa rin. though may mga sea grass sa ilang parts. Kamalasan again: nasira na naman tsinelas ni JC at nagkasugat ako sa paa gawa ng pagtalon sa dagat (nakaskas sa bato yung kaliwang paa ko owwww).
Ngapala, walang kuryente sa San Jose pag 7am to 1pm. generator-powered lang kasi sila kaya yun. Kinabukasan ay bumalik na ulit kami ng Surigao City, kumain ng tanghalian at medyo naglakad-lakad ng onti (pilay pa ko nyan pordat!). Ang inet lang dun pambihira pero pinilit kong makabili ng postcards na ipapadala sa ilang friends na mabiles nagreply sa aking text msg hehe. Nung alas-tres ng hapon ay sumakay na kami ulet ng bus pabalik ng Butuan.
After almost 3 hours of byahe ay nakarating ng Butuan at naghanap na ulit ng matutuluyan. Sa kasawiang palad ay yung inaasahan naming pinakamurang inn ay walang bakante so nagtanong na lang kami ng iba pang marerecommend ni Kuya at awa ni Bathala, may bakante naman dun sa inn na yun kahit na napaka-plain nung kwarto hahaha.
Since nasa siyudad na muli kami, I think mas masaya na kasi may mall na at madaming mapagpipilian ng makakainan. Nag-ikot kami saglit sa Gaisano Mall at nag-dinner sa Aling Cora's (masarap), umuwi natulog.
Kinabukasan ay flight na pauwi. Lemme omit some of the things that happened pero ang pinakahuling kamalasan samin sa buong trip na ito ay ang malaman na DELAYED ang aming flight. My goolay. Dumating kami sa NAIA ng 11.45 at nakapasok ako sa opisina past 1pm na. Ayun.
Napaka-forgettable lang ng experience na 'to pero actually okay lang naman yung Surigao and Butuan trip :D Sa sobrang katamaran ko e ni hindi ko man lang na-charge yung battery ni Kambini to think na more than 2 days din yun at eto pa: yan lang ang PICS. Ang kontiiiiiiii hahahaha. At hindi na kami nakapamili ng pasalubong/souvenir kahit simpleng pagkain lang. Pfft.
Oh well. Di ko majustify yung "it's not the destination that matters, it's the journey" kasi parehong tagilid eh haha. Di bale, may araw din sakin ang Siargao. 4 days dapat dun. Hmp.
UPDATE:
Pagbalik namin ng Manila, matapos maikwento sa mga kaibigan ang mga kaganapan, saka ko lang nalaman ang kasaysayan/background ng Dinagat Island. Again, i-google nyo na lang please. Sa Maynila na kami natakot. Sobrang pasalamat ko lang na nakauwi kami ni JC in one piece at walang engkwentro with a certain "mommy". +_+
Labels:
dinagat islands,
philippines,
surigao,
travel
Thursday, February 19, 2009
Nakakainis na mga Eksena
Nakakainit ng ulo lang 'tong mga LTO police officers na bigla na lamang lilitaw sa mga kanto at manghuhuli ng walang pasubali. Hindi mo na tuloy alam kung saan ba talaga ang tamang babaan, sakayan o hintuan. Now you see them, now you don't. Nakakairita kasi bigla na lang paparada ang 2 government cars, bababa ang mga pulis na ito na napakaangas talaga ng dating, magpapara ng mga random na sasakyan at mag-iissue ng tiket. Hindi naman ata kasi tama yun, dapat kasi may CONSISTENCY hindi yung kung kelan na lang nila maisipang lumabas ng kalye at manghuli gagawin nila. Kung trabaho nila yung ganun, dapat araw-araw silang nandun hanggang sa magkaroon ng kaayusan. Pasasaan ba't matututo din naman ang mga tao sa mabuting paraan. Para saan pa at mag-aadapt tayo. Ano ba? Ano ba talagang meron sa kapangyarihan na once natikman ng mga tao e ayaw ng bitawan. Mga leche. Nakakasira ng umaga.
~~
Bakit ba may mga taong hindi muna nag-iisip bago magbitaw ng mga salitang alam mong maari mong pagsisihan pagkatapos? Grabe umaariba ang sarcasm at iringan sa pook pangkabuhayan.
~~
Just a thought. I've always imagined that love should be reason enough to make someone be a better person. After all, it shouldn't be anything but an inspiration. But how come it's not turning out that way? Ahh..such a complicated thing. Just saying.
~~
Bakit ba may mga taong hindi muna nag-iisip bago magbitaw ng mga salitang alam mong maari mong pagsisihan pagkatapos? Grabe umaariba ang sarcasm at iringan sa pook pangkabuhayan.
~~
Just a thought. I've always imagined that love should be reason enough to make someone be a better person. After all, it shouldn't be anything but an inspiration. But how come it's not turning out that way? Ahh..such a complicated thing. Just saying.
Friday, February 13, 2009
Bloody Red
Stop being a valentine scrooge, go out and have fun, with or without a partner.
As for the letters, still think its the best anyone could ever give someone. But that's just me. :p
Happy commercialism, errmm, Valentine's Day everyone! :)
Labels:
valentine
Monday, February 09, 2009
Result's out!
Takbong May Yabang's result is finally out. Funny, I think I did better last year in Adidas King of the Road Marathon unless last year's run wasn't really 5k at all!
Good luck in finding me. Close friends would know easily.
Clickety click me..
Whoa I'm a Pure Nerd? But Imma Dork!
Your result for The Nerd? Geek? or Dork? Test...
Pure Nerd
52 % Nerd, 39% Geek, 48% Dork
For The Record:
A Nerd is someone who is passionate about learning/being smart/academia.
A Geek is someone who is passionate about some particular area or subject, often an obscure or difficult one.
A Dork is someone who has difficulty with common social expectations/interactions.
You scored better than half in Nerd, earning you the title of: Pure Nerd.
The times, they are a-changing. It used to be that being exceptionally smart led to being unpopular, which would ultimately lead to picking up all of the traits and tendences associated with the "dork." No-longer. Being smart isn't as socially crippling as it once was, and even more so as you get older: eventually being a Pure Nerd will likely be replaced with the following label: Purely Successful.
Congratulations!
A Nerd is someone who is passionate about learning/being smart/academia.
A Geek is someone who is passionate about some particular area or subject, often an obscure or difficult one.
A Dork is someone who has difficulty with common social expectations/interactions.
You scored better than half in Nerd, earning you the title of: Pure Nerd.
The times, they are a-changing. It used to be that being exceptionally smart led to being unpopular, which would ultimately lead to picking up all of the traits and tendences associated with the "dork." No-longer. Being smart isn't as socially crippling as it once was, and even more so as you get older: eventually being a Pure Nerd will likely be replaced with the following label: Purely Successful.
Congratulations!
Subscribe to:
Posts (Atom)