Friday, December 29, 2006

10 Bagay na gusto kong sabihin at itanong sa'yo

1. Ngayon ko lang finally nalaman kung saang pelikula at sino ang nagsabi ng linyang ito (na chinallenge namin sa'yo dati pero napahiya kami kasi walang nakakaalam samin ng sagot): "Immortality, take it. It's yours."

2. Ano ang nagtutulak sa'yo para sumama sa grupo namin kahit na tecnically ay hindi ka part ng aming crowd? Napakabilis mong yayain tsong. Not that it's a bad thing.

3. Dahil sa'yo e hindi ko na nakakausap ng matino si Kuya Randy at hindi na'ko madalas tumitingin sa gawing yun.

4. Pinapasaya mo ko. You give me goosebumps. You make me wanna go to AS kahit na wala na kong business dun whatsoever.

5. Ano kaya ang naiisip o iniisip mo pag nasa Up There tayo habang obviously ay pinagtutulakan ako ng mga napakababait kong mga kaibigan?

6. Kapag nakakasama kita tumatahimik ang mundo ko. Pero after ng ilang set nyo, bumabalik na din sa dati kasi alam kong may tama ka na din.

7. Sobrang awkward nung nangyaring yun satin that first night at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatantanan ng mga tao. Super embarassing moment yun!

8. Masama na kung masama ang dating pero sana di mo na sya mamiss. Hindi sya para sayo. At lalong hindi rin ako no! Pero I have this feeling, we all do, that you are much better off with someone who can swim well into your deep realm.

9. Sana hindi ka nagba-blog or wala kang koneksyon sa site na 'to dahil kung hindi..patay tayo dyan!

10. Alam mo na ata na crush kita e! Oh well. Talu-talo na. Wala namang mawawala sakin e.

No comments: