Monday, September 11, 2006

hindi naman araw-araw na makakadaupang-palad natin ang mga crush natin. Kaya pag nagkaroon ng chance, kahit gaano kaliit (at gaano kababaw ang scheme), patusin mo na. Sayang ng moments..ng what might have beens, what ifs and kilig moments (with matching untog moments pa pero medyo kaengotan na yun!).

so, sinasabi ko lang, na bihira ang ganitong pagkakataon. kung ang tulay na lupa ay huling lumabas 10,000 years ago (nga ba??), may pag-asa na muli pa itong lumabas sa susunod na 10,000 years uli. ang catch? hindi ko rin alam! ....ahhh, naalala ko na. kapag nakita mo ang tulay na lupa, GO na! minsan lang darating yun sa mahabang panahon.shortcut sa isang bagong mundo katulad ng ginawa ng mga ninuno natin..:)

No comments: