Saturday, August 13, 2005

ano ba talaga mariela?!

katulad ng kaibigan ko, nagiging inconsistent na din yata ako. huhu. nung isang araw lang, halos matulala na ko sa kakaisip ng mga nakakaasar na bagay at pangyayari sa buhay ko. halos lumuha ng dugo ang screen sa galit na naramdaman ko nung araw na yun. nakisabay pa ata ang langit sa problema ko. tapos ngayon, ito lang? isang simpleng katagang ni hindi man lang nga nanggaling sa bibig nya e tumitiklop ako. i hate the term. di naman talaga ganun.

pero minsan naiisip ko, bakit nga ko nagkakaganito sa isang taong mataas pa sa Sears Tower ang tinitingnan. isang taong kahit kailan e di matututong tumingin sa paligid nya. hay, sentimentalidad, pag napasok nga sa puso ninuman, hahamakin ang lahat lalo na ang mga korning nilalang...


...katulad ko.


*ano nga yung pangalan ng nagdesign ng eiffel tower at statue of liberty? me prize ang makahula! walang gamitan ng net ha!!!lagay nyo sa tagboard ko.hehe. this is fun!

2 comments:

lil_honey28 said...

ok lang maging inconsistent :) at least you can still define what's wrong from right :D

boy okoy said...

If you don't mind, it doesn't matter. Hehe... :P