Friday, March 30, 2007

this is where it ends

a while ago, we were judged for the last time. and i seriously,hopelessly and truly wished that it will be the last. Because even if i didn't pass it this time around, I've already made the decision that it would be the last. kahit na bumagsak pa man ako, hindi na ko mag-aaral next sem. wala na. hanggang dito na lang ang kaya ko. Although napakahirap ng finals ng Math 100, i hope sa Math 14 naman kahit papaano ay pumasa na ko. Kahit yun na lang po. Ibinigay ko na kay Kabunian ang desisyon kung ano man ang gusto nyang mangyari sa buhay ko ngayon. Yep. Kabunian, Bathala, Lord, Jesus, Allah, Buddha, etc..Lahat na sila ay tinawag ko na kagabi para lang sa divine guidance and i'm quite glad kasi sa unang exam ay enlightened naman talaga ko kahit papano. Wag na lang itanong ang sumunod na nangyari. Huhu.

Ah basta, this is it. Wala nang balikan pa. Do or die na nga kanina. Kwentong segway lang. Akala ko nga maiiyak ako sa math kanina sa sobrang pressure at frustration pero hindi!!! Sa ibang bagay pa ko naiyak. medyo kwentong kamalasan lang talaga. Itong nakaraang linggo na kasi siguro ang pinaka-bad week ko. Bad on everything. Academically and financially wise. Naranasan mo na bang sumakay sa isang pampublikong transportasyon kung saan ay late mo na narealize na kulang ang pera mo? Ako maraming beses na (at hindi sya healthy AS IN!). At sa sobrang katulalaan ko siguro kanina ay nakalimutan kong umutang ng kahit 6.50 lang sa mga kaklase ko. Oh my gas balbas! Pang-apat na beses ko na 'to. Kung hindi ko sinasabi sa driver ang kalagayan ko ay nag-wa-wan-tu-tri ako. Oo. Inaamin ko, nakapag-wan-tu-tri na ko pero iyon lamang ay dahil sa kinakailangan talaga. As in. Bwiset. Dapat kasi hindi na ko bumili ng bluebook kanina kung puro cryptic solutions lang ilalagay ko. Hmmpp. Pero akalain mo, nung inaakala kong maglalakad na nga ko papunta sa bahay ng tinuturuan ko, lo and behold! may dos sa secret pocket ko! Talagang umurong ang luha ko. Hay. Saved by the dos! Maraming Salamat Bathala. Pasensya na kung napaka-pagano ko (pero ina-acknowledge ko lang talaga ang mga sinaunang diyos ng mga Pilipino). Hay buhay. Pagkatapos ng araw na 'to gustuhin ko mang magsaya ay di ko magawa. Ito na ang pinakamasaya kong maibibigay sa sarili ko..ang makapag-internet.



Mabalik ako ulit sa usapang pagtatapos, nakakatuwa naman kasi kahapon habang naglalakad ako pauwi (as always) galing sa pagtututor ay andami kong nakakasalubong na mga newly grad kiddos. Actually highschool na sila pero wala lang, i guess i feel so ancient nowadays. As usual, nahihipo ang damdamin ko tuwing nakakakita ako ng kumpletong pamilya. O kahit na nanay o tatay lang. Buti pa sila. Narealize ko na isa rin pala yun sa mga dahilan kung bakit hindi ako magmamartsa (KUNG gagradweyt man ako ngayon!). Ang college life ko ay hindi resulta ng iisang tao o pamilya lang. Ito ay collective effort. Kung pwede nga lang lahat silang tumulong sakin ay may representative, gagawin ko. pero sadyang may diskriminasyon talaga sa mundo. Hindi kasi naiisip ng mga graduating committees (at siguro ng karamihan na rin) na hindi lahat ng tao ay may buong pamilya. Paano na lang ang mga tulad namin? Walang tatay, walang nanay, walang kamag-anak at kung anu-ano pa? Naisip man lang ba nila 'to nung mga panahong pinagdesisyunan nila na 3 ticket per graduate lang ang ire-release nila? paano kung malaking pamilya naman kayo at gusto mo sila lahat makasama? pano kung wala at all? Ah. Tama na. Nasabi ko na 'to dati pa. kaya nga ba hate na hate ko ang Values Education nung hayskul e! Ni mag-fill up ng biodata ayoko!

Pansin ko parang sabog ata thoughts ko ngayon. Pero yun lang naman ang gusto kong sabihin sa ngayon. Wait! meron pa pala! Gusto ko ng ice cream at lobo. At radyo or anything na lilikha ng musika sa tenga ko. Para naman magkabuhay ang life na ito.Kahit coloring book papatulan ko na rin. Waah.



.:mahabang buntung-hininga:.

No comments: