Showing posts with label diliman. Show all posts
Showing posts with label diliman. Show all posts

Tuesday, May 25, 2010

It's Official!

While hanging out in front of my old college department in UP (after accompanying Pam in getting her TOR and while waiting for Eman), Pam and I were nonchalantly reading the stuff posted on the Geography board and came upon the list of newly graduate Geographers. Our conversation went something like this:

Me: Uy, graduate na pala si Kim o! Tsaka si Jon at si Aui!
Pam: Onga no.
Me: O si Jarlo pala ngayon lang din gumradweyt?
Pam: E ikaw graduate ka na din di ba?
Me: Onga no! (na-shock bigla sa realization then skimmed the list to look for my name)
Ayun Panganiban! Shet graduate na din pala ko! (laughs idiotly).

Alam ko walang kwenta at irrele yung paggawa ko pa ng conversation (but I give myself a C for effort to attempt mwahaha). But back to the story, yes, I have officially graduated. My dilemma now is did I really or can I consider myself a '07 graduate?! Or 2010 graduate na ko talaga? Kasi it will mean I spent 10 (gasp!) years in college as opposed to my original 7 years only (um-only pa!). Na-lost ako.

But still, whether it took us 7, 8 or 10 years pa, Congratulations to us all!

Friday, September 18, 2009

Open Happiness and the Maroons

Because I love my alma mater whether they win or they lose. Sometimes, it's not just about winning nor about losing.

Tuesday, April 24, 2007

Araw ng Pagkilala (KAPP: April 21, 2007,UP Theater)

Hindi man ako nakaakyat ng stage para kunin ang diploma ko, ayos na sakin na makita ang mga kaibigan ko na kunin ang mga diploma nila..maging proud at super saya habang tinatawag ang pangalan nila at kinakamayan ng dean at panauhing pandangal namin. Ang saya talaga pala ng feeling habang nandun sa loob ng theater dahil sa okasyong iyon: ang pagtatapos. Maraming salamat sa lahat ng magulang na bumati, mga kaibigan, kay june na nagbigay ng bulaklak at sa lahat ng taong kumuha ng pichur..nakakasilaw man at nakakangawit, ayuuus lang! By the way marami pang pichurs sa multiply ko so if interested, click lang sa gilid. :)
kulitan lang habang nasa labas pa sila




my sablay moment with eman the cum laude and pam the proud graduate


ang gaganda!


izay, me and june after the ceremony



ang napakakulit at uber cool na Department Chair ng Geography, Sir Meliton Juanico.


Pam, Kimi and Me sa stage. Lahat ng tao ay nagkakagulo na!


I really appreciate everything that they've done to me. JP here was hugging me while congratulating me because he (among others) said that it was also my day. :)
Congratulations guys!
Hanggang sa susunod na mga hakbang sa buhay.

Thursday, April 12, 2007

The Graduation Slash Thank You Edition!

Graduaaaaaate na ko!!!!!

Hindi lang iisa ang dahilan kung bakit masayang-masaya ako na nakagraduate na nga ako (although hindi pa official). Una na siguro dun ang Finally. After n years of staying in UP (and-I- wouldn't-bother- explaining-why-it-took-me-that-long-but-if-you-want-to-i-could-tell-you-just -ask- me!) sa wakas naman ay makakasagot na ako, proudly, na "oo, graduate na ko". And I guess everybody dreamt of graduating right? I'm just one of them. Pangalawa, it only means that i am SOOO over math now. After my nth time of enlisting, sleepless nights, insane days you've caused me (and my other friends too!), praying, buying bluebooks, photocopying sample exams, cursing all my teachers and other horrible experiences, I'm so, so darn happy it all paid off even if it took me many times just to overcome you. Lastly, makakahanap na ko ng trabahong mas matino dahil may lisensya na ko for that another whole world out there. OR NOT!!!

Pero kasabay ng pagtatapos na ito nangangahulugan lamang na maraming taong dapat pasalamatan all throughout the years. Syempre hindi ko pa maibabalik sainyo ang lahat ng tulong na ibinigay nyo sakin sa ngayon pero someday, mangyayari din yun. Sa dami ng papasalamatan ko ay hindi ko na alam kung maaalala ko pa kayong lahat, kasi kahit mga taong hindi ko naman naging close talaga pero naging part kahit once ng college life ko ay kino-consider ko nang nakatulong sakin. Hayaan nyo someday ay mababayaran ko din lahat ng kabutihan ninyo!

Sa lahat ng nag-congratulate at super happy para sakin nung gabing nalaman ko na pumasa na ko sa math ko, maraming salamat sa pakikisama sa kasayahan ko. Super elated ako nun to the max: barbs, june, mon, leidz, kimi, pam, nj, em, hummy, anna, jas, mitch, izay, tita edna, tito rene, honey , jenna at mikki. Sa 2 taong kahit na hindi ko naman nasabihan pero apparently ay nakarating sa kanila ang balita: ed and glady. at sa nag-email para i-congratulate ako: jog. Maraming salamat sainyo guys!

Ang college life ko nga pala by the way ay hindi lamang resulta ng iisang tao bagkus ay collective effort ng maraming maraming taong nabulabog kong tumulong sakin over the years (nasabi ko na ata to in my previous entries). Although hindi ko alam kung san magsisimula, siguro sisimulan ko na lang sa:

*lola dearies ko
Lola Teddy at Lola Sarah. Syempre sila ang pinakaunang dahilan kung bakit nakapag-aral ako sa UP kahit ayaw ng iba kong mga kamag-anak . I'm sorry pero it was UP or nothing at all. Akalain mong determined na pala ko noon!

*We Are One
kayo ang unang pamilya ko sa UP. Grabe, kung ikekwento ko man yun, it should be a whole another story to tell. Ate Grace, Honey, Izay, Che-Che, Jog, Popsie at Rocky, ika nga ng Fall Out Boy Thanks for the Memories.

*Block N2 friends ko na sina Weng at Jan!

*UP Sorg orgmates and families ko especially batch dos mil!

* Sa lahat ng classmates ko nung high school na sobrang naging close ko nung nag-college kami, sobrang treasured yun.

*UP Explore orgmates and families! I Love UP Explore!

*Geography Department friends. Ang hirap i-categorize kasi mga naging kaibigan ko sa department ay naging orgmates ko at superfriends pa. pero nevertheless maraming salamat pam, kimi, juraine, ed, ela, sarah, mitch, jayvie, leriz, june, essie, jp, raymond, mona, eman, van, aileen, chantel,lady, dean.

*Aurora fieldmates. 2nd year anniv na natin mga tsong!

*Lahat ng maging teachers, professors, instructors ko then and now, whether pinasa nyo ko or not. Pero special thanks kina sir Mandigma, Ma'am Vallesteros, Sir Leyson, Sir Sonny Ortega, Ma'am Nantes, Ma'am Yany. At sa lahat ng mga tumanggap sakin nung nag-prerog ako sa mga klase nyo, grabe, salamat talaga.

*Kina Sered, Ma'am Abad, Mang Cris at Mang Rolly( sa pagtanggap sakin bilang SA for 2 years).

*Sa Bermillo family. Grabe supeeer talaga! For all the support: financially, emotionally and especially spiritually! Sobrang na-feel ko kung panong magkaron ng pamilya dahil sainyo. mahirap i-define kung gano ako nagpapasalamat sainyo sa lahat ng tulong na ibinigay nyo sakin pero maraming maraming salamat talaga.

*sa lahat ng mga naging groupmates ko. sa sobrang dami na nun ay hindi ko na rin kayo matandaan pero you also deserve to be thanked kasi pumasa ko sa subjet na yun kasi ka-group ko kayo. ahaha!

*sa lahat ng mga drivers ng jeep na pumayag na hindi ako magbayad at patawad naman dun sa lahat ng mga jeep na winantutri ko..:(


Maraming Maraming Salamat sainyong lahat kasi either kayo ay: tumulong sakin na magbayad ng tuition fees ko, nagpapakain sakin kapag wala akong pera (which is always!), nagpautang sakin pag wala na kong pera, nanlibre ng pamasahe, nagpakopya ng assignment, nakikinig sa mga laments ko sa math, thesis mates ko, nagbigay ng libreng bluebooks sakin, nagpahiram ng mga ballpen, mga nag-share-a-load at nagload sakin for free. madami pa pero hindi matatapos to kung iisa-isahin ko pa. So in short, nagpapasalamat ako sainyong lahat kasi naging patient kayo sa akin whether as a friend or classmate or orgmate, because of your unwavering support and belief na matatapos ko din ang lahat ng ito someday. at eto na nga yun!!

pero hindi pa dito nagtatapos ang lahat..panibagong simula lang sa isa pang mas masalimuot na mundo.

pero as of now, kampai lang muna ng kampai!!

Saturday, February 17, 2007

3rd Fair NIght

How's that to go home at 6 in the morning? A natural high. Tinapos kasi naman ang fair. It was quite a happy night dahil maraming nangyari in the span of 10 hours. Got to meet Ping again and other Pingsters too, buy the vcd of APMO (even if it's against my pocket) and have it signed by none other the great Kuya Bogs (okay, bawi na rin!). It was really awesome. Meeting him will always probably feel like a first time because up until now, as The Brew says "ako'y pasmado". Forever kabado. Parang crush ko lang yung nakita ko.wahaha!

The second great thing about my 3rd UP Fair Night is the climb. Woohoo! Finally ay nagawa ko na rin ang matagal ko nang pinapangarap gawin pa since 1st year college. pasensya na, walang buhay nung bata pa. It was really a nice feeling to be climbing up there, inching your body to go up as you feel the rope guiding you while deliberately thinking what to do next, where to step next. Salamat sa mga kasama kong umakyat: Eman, Juraine and Butch. At sa nag-guide sakin: si Tope ng UPM (haha, you still rembered me after all this time!) at yung girl whose name I forgot..galing nyang mag-pep talk in fairness.

After the hullabaloos in the said climb, we went back to our booth only to be left alone because all of them ran towards Parokya ni Kazee's performance. Buti na lang napanood ko na sila nung Monday Night Fair kaya okay lang, nag-sudoku na lang ako mag-isa. It was still the same songs and acrobats and gimmicks on stage. But they did make a lot of people happy kahit super bangag na sila!

But one of the highlights of the night for me was seeing Silent Sanctuary performed on stage. Typecast din sana inaabangan ko kaso nasa labas kami nun naghihintay sa Vinzon's. Oh well. Magaling! Kakaiba talaga. at nung kinanta ng Rocksteddy ang Superhero. Haha! Sorry na but it's something of a personal joy shared with two other friends kaya medyo mahal ko ang kantang yun. Fly High Budong, Blentungan na!!!!

Lastly..to see the night sky turned into new colors. Life.

Monday, February 12, 2007

Promotions


freshly-grabbed poster-ticket from Ping's friendster! Go watch it!


By the way:

UP FAIR na mga tsong! Come one, come all sa natatanging Sunken Garden. February 12-17, 2007 'to.

UP NOT FAIR SALE!


Thursday, September 22, 2005

Happy 10th Anniversary UP Sorg!

Yesterday, with some members and a handful of alumni, we celebrated UP Sorsogueños’ 10th Anniversary in our dear reliable tambayan! Yey! Sampung taon na kami for that and I’m glad that I’ve been part of it. Come to think of it, kalahating dekada na rin pala ko sa Sorg! Yikes. Tumatanda na talaga. Parang kelan lang ay may mga freshie na na-recruit (nauto?!!) si Jonathan (the then membership committee head in our time). Tanda ko pa na mixed emotions ang nararamdaman namin that time kasi nga mga “inosenteng syano at syana” pa kami nun ng mga batch mates ko! I remember na marami kaming sumali but then, habang umuusad ang application ay unti-unting nawawala ang iba. Nalaman na lang namin (after being a certified Sorg) na nagpunta na sa kabilang bakuran ang karamihan sa kanila. Sad to say, anim na lang kaming naiwan. Pero malupit yung anim na yun. Hehe.

Having an org in UP is really invaluable. Totoong home away from home. At para sa mga baguhang tulad namin that time, isang malaking tulong ang magkaron ng mga kaibigang mapupuntahan mo at makakatulong sayo in times of need. Masaya ang feeling kapag nagsasalita na ng bicol-sorsogon language pagkatapos ng isang mahabang araw sa pananagalog. Nakakamiss yun.

The org has been through so much storms and we do not deny that we almost gave up. Pero sabi nga nila, habang may nagmamalasakit pa sa organisasyon, hindi ito mabubuwag. We started again from scratch and slowly picked our way up, and thank God we made it. At ngayon, eto na nga. Sampung taon na kami!

Sa kasalukuyang officers ng UP Sorg, sobrang wala akong masasabi dahil successful naman sila sa lahat ng projects na ginagawa nila. Kahit na mga bata pa, pinatunayan nyo ang inyong mga sarili. Hindi na nga siguro ako nakakapunta ng Vinzon’s these past few days, pero pag napupunta naman ako dun e sobrang worth it naman ang aabutan mo. Sorg has been and still one of my lifelines. Siguro nga priorities may have changed at syempre napag-iwanan na ng mga batch mates pero, di ko pa din ipagpapalit ang Sorgie sa iba dyan! Yadi an tunay na mga uragon na tawo! Laen amo?


#
Batch dos mil rocks! (kami yun!)
An kalayo san karaba buhay pa?
An pasitis, maharang pa?
An kahimanwa haen na?
Welcome batch lagting! (ano ngani yadto gihapon?) hehe

HAPPY 10TH ANNIVERSARY UP SORSOGUEÑOS!!!