Tuesday, November 07, 2006

Mondays suck (at least for me)

ilang bad news ba ang kayang ma-take ng tao in their lifetime? just wondering. lunes na lunes bumabaha ng bad news para sakin. No reg mat for me dahil naka-hold ako. baket ikamo? dahil underassessed daw ako sa geog 109 lab!!! pambihirang patis. hanggang ngayon hindi pa rin ako tinatantanan nun. at isa pa: need math 14 classcard! ano ba? gusto nyo pa talagang napapahiya ako or talagang sabik kayo sa mga taong nauulanan ng kasingkuhan? wag sana kayong magsasaya sa kasawian ng ibang tao no. bwiset kahit sa kahuli-hulihang sandali mo sa unibersidad ayaw kang patahimikin ng diwa ng registration. Hay. Again, welkam to UP my dawg!

at isa pang big bad news. binagsak ko lang naman ang removal exam ko sa stat!!! ano ba ineng watshapeninginyourtinyandcrampedmind ba?!!! kahit yata si Lord napapailing na lang kung nasan man sya nung mga panahong yun. at si jose rizal ata gumugulong na rin sa hukay nya dahil ang pag-asa ng bayan ay naging pabigat ng bayan! buti na lang kahit ganun yung teacher naming yun, naawa pa din sya sakin (muntik ko na kasing iyakan para sa another chance!) so, ang moral lesson? mag-invest sa acting prowess mo. you'll never know where it'll get you....SYEMPRE HINDI NO! moral lesson ay mag-aral ng mag-aral ng mag-aral at huwag sasabak sa isang exam ng walang rebyu rebyu, unless 190 IQ mo. at kung 190 man ang IQ mo wala kang puwang sa removals kaya go away!

hay. sa lahat ng mga nangyari syempre light na ko unlike kahapon. haha. and now i know how pam felt that fateful day, slightly. masakit talaga sa heart.




No comments: