Thursday, June 30, 2005

Whatever Happened to Gonzo and Big Dipper?

Nasan na kaya sya? Naiisip pa ba nya ko? Ang blue swirl? Mahigit apat na buwan ko na rin syang di nakikita, ni balita wala, ni text wala. Lagi na ring ganito, minsan buong sem ko syang di makikita kahit nasa loob lang kami ng iisang campus. Pero matagal na panahon na din yun, nasa mas malaking mundo na sya ngayon. Hindi na acads ang pinoproblema nya. Kung nakikita lang sana nya ko ngayon, I bet, she’ll be proud. Di na ko ang super sensitive na marye noon. Definitely did grow up. Sayang, wala sya nung mga panahong may triumphant at failure moments ako. Si bleep! pa nga yata ang alam nyang crush ko e. Andami nang nagbago. Wala na kong alam sa buhay nya. Nakakamiss ang boses nya. Sya lang bukod tanging taong nagpupunas ng tumutulo kong kamay. Total opposites. Imagine mo yun? Wonder where she is now..
*para sa pinakamagandang tao na nakilala ko, inside and out, si Vianne.

No comments: