Saturday, June 16, 2007

Pagmumuni-muni

Wala pa akong nabalitaang nakapagsulat kung ilan ang kayang mahalin ng tao sa buong buhay nya. Wala pa kong narinig na balita kung ilang tao ang pwedeng manakit sa'yo ng minsan o paulit-ulit man.Wala pa kong nabasa kung gaano kalaki ang kapasidad ng ating puso na magmahal, masaktan, magpatawad at makalimot.

Ang alam ko lang ay eto: ayon sa The Corrs, "a heart can only take so much".

Pero ang kasagutan ay parang matatagpuan kay Zelda Fitzgerald, na nagsabing "Nobody has ever measured, not even poets, how much the human heart can hold".

Hmm. Na-overwhelmed na naman siguro ko masyado sa mga pangyayari sa buhay ko, mabuti man o masama.Kung kelang nakalimutan mo nang maging masaya sa "malalaking" bagay, babatuhin ka ng maraming small things. Hindi ko na iniinda, ako pa ang binato mo.

No comments: