Saturday, April 07, 2007

still hanging by the moment..literally

hindi ko pa talaga alam ang future ko dahil may mga bagay pa na humihila sakin pabalik ng UP at para bang nang-iinis at ayaw pa akong pakawalan after ng pitong taon kong pag-stay sa unibersidad na ito.hindi na nga ako makatulog ng matino since march 30, hanggang ngayong april na ay pinapahirapan pa rin ako. hanggang kailan na nga ba? pagod na kong matulog ng alas-singko ng madaling araw, araw-araw. Pagod na kong mag-isip ng panibagong isasagot sa mga nagtatanong sakin kung grumadweyt na nga ba ko. Natatakot naman akong magplano ahead kasi parang inuunahan ko ang verdict sakin. Basta, this is so not healthy. But what can I do? Ano pa e di ang forever ko na lang ginagawa. ang maghintay! Was I actually meant to be born and wait in this lifetime?? Buti na lang matiyaga ako. ahaha!

that is why i can't answer all your questions yet with clarity..so, bear with me still. and while you're at it say a little prayer for me. :)

No comments: