Thursday, December 29, 2005

Behind the Camera

nagets ko na din sa wakas. lumabas pla sya sa video na breakable ng twisted halo.
yung sa paramita e nakita ko na yung hiling dati pa pero wala naman sya dun.
i probably should take another look. hehe.
iba na to. jologs na naman ako.
Happy New Year everyone!

Thursday, December 22, 2005

Happy Holidays!

Dahil sa dami ng ginagawa ko last week ay kulang pa ang 24 hours a day para sa mga iniisip at ginagawa ko, but then, tapos na rin ang karamihan dun, thank God! And so, dahil nga sa kabusyhan e di na ko nakapag-greet man lang ng Maligayang Pasko at Maaliwalas na bagong Taon sa lahat. Andami ko pang gustong i-accomplish pero kulang talaga ko sa time at malabong makapag-internet ako ngayon sa aming bahay (na dilag).tsk,tsk. Pero sa kabuuan ay inaasam ko ang isang masaya at maraming pagkaing pasko, austerity measures or not. haha. for a while naging vain ako.

at kahit na madami akong gustong sabihin at ikwento pa, kulang na ang oras ko kaya ayun, Happy Holidays na lang sa lahat ng mga taong nasa network ko, mahal ko kayo!

*things i'm lookin forward for next year:

-a new cellphone
-a new sneakers
-makita ko si ping medina in person
-makita ang dramachine beybis kahit one time lng
-matapos na ang dark tower series
-manood ng narnia chronicles at da vinci code (weee)
-bagong crush
-and the best of all, grumadweyt...kahit yun na nga lang e. :)

Tuesday, December 13, 2005

Kuya Bogs!!


ayan, may nagsisimula na uling craze. pero magandang klase naman ng craze. haha. basta ako, nung nakita ko si kuya bogs sa maxi, mahal ko na sya! di nga ka-gwapuhan pero may dating. ang galing nya, mana kay itay!

at ngayon, gabi-gabi na rin syang makikita sa etheria as the young hagorn (parang pinagbiyak na bungo daw sabi sa peyups!). sayang, di naman ako makakanood nun kasi kapamilya ang mga tao sa bahay..dalawa lang kaming nanonood ng jewel in the palace. buti kamo nakakanood pa.

nwey, ayun. wala lang. Ping Medina, astig ka!






*shot ng kasama nya sa isang indie fim na ginawa/ginagawa nila entitled "breakable"

Wednesday, December 07, 2005

pambihirang patis!

eto na lang ang nasabi ko. kani-kanina lang kasi e nanggaling ako sa tower records sa may SM North. Habang nasa loob e medyo nililista ko yung mga title ng album ng mga cd na gusto kong bilhin someday sa buhay ko. aba! akalain mo bang sitahin ako nung mama dun! ewan ko ha, pero la naman sigurong masama dun di ba? besides, di naman lahat e nililista ko. di ko lang talaga ma-gets yung point nya. buti na lang nagpakabait ako. pero umangal din ako at nagdahilan, pero walang "pero-pero". hay. kung nasa rules man nila yun, aba, bakit di ko alam. nwey, kung mali nga yun, fine, e di mali. I'm so sorry! nyak. mabuti naman ang intensyon ko nung ginawa ko yun e. hmmpp.. para mabawasan ang init ng ulo ko e lilista ko na ang puno't dulo ng lahat ng pangyayaring ito. And for that never na kong bibili sa kanila, ever!dun na lang sa megamall o g4. Note: syempre di ko nakumpleto lahat di ba!

My long lists of must have CDs in the near future:


  1. The Best of Hanson- Live & Electric
  2. Hootie and the Blowfish- (self-titled with a very cool album cover)
  3. Jane's Addiction- Strays
  4. The Killers- Hot Fuss
  5. Lenny Kravitz Greatest Hits
  6. Lifehouse- self titled din
  7. Live- Throwing Copper (ang hirap ng hanapin nito!)
  8. Marjorie Fair- Self Help Serenade
  9. Metallica- St. Anger and the Black Album
  10. Alanis Morissette- Jagged Little Pill
  11. Jason Mraz- Waiting for my Rocket
  12. My Chemical Romance- Three Cheers for Sweet Revenge
  13. The Wallflowers- Bringing Down the Horse and (the new one) Rebel, Sweetheart
  14. Sterophonics- Language, Sex, Violence, Other
  15. Smashing Pumpkins- Mellon Collie and the Infinite Sadness
  16. Oasis- Lahat!
  17. U2- All that you can't Leave Behind, Greatest Hits. How to Dismantle an Atomic Bomb
  18. Silverchair- Diorama
  19. Joss Stone- Mind, Body and Soul
  20. Stone Temple Pilots- Purple and Thank You
  21. Switchfoot- Beautiful Letdown
  22. System of a Down- Toxicity and Mezmerize
  23. Third Eye Blind- Lahat!
  24. Three Days Grace- Self-titled
  25. Tonic- Lemon Parade
  26. Toto- Past to Present
  27. Vertical Horizon- Lahat!
  28. The Verve Pipe- Villains
  29. Travis- The Man Who and Singles
  30. Weezer- Weezer, The Green Album and Make Believe
  31. Wheatus- self-titled
  32. Yellowcard- Ocean Avenue
  33. 10, 000 Maniacs- MTV Unplugged and Love Among the Ruins
  34. 3 Doors Down- Better Life, Away from the Sun and Seventeen Days
  35. 311- Grassroots and Greatest Hits
  36. Anggun- Snow On the Sahara
  37. The Ataris- So Long Astoria
  38. Audioslave- Audioslave and Out of Exile
  39. BAchelor Girl- Waiting for the Day
  40. BSB- Millennium and Black & Blue
  41. Barenaked Ladies- All these Greatest Hits
  42. Ben Folds Five-self-titled
  43. Better Than Ezra- Deluxe and Friction Baby
  44. The Black Crowes- Live
  45. Blessid Union of Souls- Home and Walking off the Buzz
  46. Blind Melon- Blind Melon and Nico
  47. Blink 182- Take Off your Pants and Jackets, Enema of the State
  48. Michelle Branch- The Spirit Roon and Hotel Paper
  49. Bowling for Soup- A Hangover You Don't Deserve
  50. Tracy Chapman- self-titled and Telling Stories
  51. Eric Clapton- Clapton Chronicles
  52. Collective Soul- self-titles and Disciplined Breakdown
  53. Coldplay- Lahat!
  54. Paula Cole- This Fire
  55. Dave Matthews Band- Crash
  56. Good Charlotte- Chronicles of Life and Death and The Young and Hopeless
  57. Green Day- Dookie and American Idiot
  58. Goo Goo Dolls- Lahat
  59. Eagle Eye Cherry- Desireless
  60. Evan and Jaron- Self-titled
  61. Eve 6- Horrorscope
  62. Nine Days- The Madding Crowd
  63. Fall Out Boy- From Under the Cork Tree
  64. Franz Ferdinand- Self-titled
  65. Filter- Title off the Record
  66. Fuel- Sunburn
  67. Fatboy Slim- You've Come A Long Way Baby
  68. Foo Fighters- Lahat!
  69. David Gray- White Ladder
  70. Gin Blossoms- New Miserable Experience and Congratulations I'm Sorry
  71. Red Hot Chili Peppers- Lahat!
  72. Garbage- Garbage and Beautiful Garbage
  73. Goldfinger- Self-titled
  74. Amy Grant- Behind the eyes
  75. Macy Gray- On How Life Is
  76. Jimi Hendrix- Are You Experienced?
  77. Lauryn Hill- The Miseducation of lauryn Hill
  78. Hoku- Self- titled
  79. Hoobastank- Hoobastank
  80. Radiohead- Hail to the Thief, Pablo Honey and Kid A
  81. Rage Against The Machine- Evil vampire and Renegades
  82. REM- Lahat!
  83. Remy Zero- Self-titled
  84. Run DMC- Raising Hell
  85. Papa Roach- lahat maganda!
  86. Pearl Jam- Ten & Yield
  87. A Perfect Circle- Mer de Noms, Thirteenth Step at yung latest
  88. Phanom Planet- Phantom Planet Is Missing
  89. Liz Phair- self-titled
  90. POD- Lahat din!
  91. Puddle of Mudd- Come Clean
** ayan, dinagdagan ko na uli..meron p din ata. thanks kuya jaivy!
*Next time, Pinoy naman. :)

Sunday, December 04, 2005

on sharing some of your thoughts...

naisip ko lang, pano kaya nakakaya ng mga taong may problema, happiness, sadness and secrets sa buhay ang itago ang nararamdaman nila?

naniniwala naman ako na some things are better off as secrets, pero minsan may mga sikretong hindi kayang i-contain ng isang tao sa sarili nya forever. pustahan pa tayo! kahit na sya pa ang pinakamalupit na secret keeper sa mundo i bet malungkot sya. hehe. pero hindi nga. kasi ako, kahit na madaldal ako, i can keep other people's secret even to the grave! madami din akong mga skeleton sa kabinet (haha!) pero may mga bagay pa din na mas nakakahinga ko pag nai-share ko sa iba, kahit isa lang. katulad na lang nung kay clark. kailangan kong may mapagsabihan. writing did not make it any easier. kaya i was so happy ng "mabuko" ako. actually, hinayaan ko talagang mabuko ako. at nung one time din na inamin ko sa crush ko na sya nga yung crush ko. napagbagsakan ko pa tuloy ng telopono. kasi naman! wala nang urungan, naipit ako sa isang sitwasyong ako din naman pala ang may pakana. haha! 

looking back, nakakadiri. ang babaw ko talaga. but what im driving at is simply the idea of sharing your thoughts. of course hindi lahat, masyado naman yun di ba. but a piece of your mind would definitely be fine.

ang lungkot kaya nung idea na wala ka man lang napagsasabihan na kesyo pumasa ka sa isang mahirap na exam, nakita mo crush mo, nandidiri ka sa isang tao, takot ka humawak sa starfish (ako yata to ah!), sinusumpa mo ang mga tao sa paligid mo, namimiss mo na ang aso or whatever na namimiss mo, etc, etc.

ayun lang. just a thought. :)

Saturday, December 03, 2005

my ambitious list!

finally the christmas bug has caught me. it's still cost-cutting and all but it doesn't hurt to put up a list of stuff i've been desperately pining for and here are the gifts that i want to receive this christmas but i bet my @&#! I definitely wouldn't be receiving anyway! there's always wishful thinking and hey, 'tis for free!


* books (particularly narnia chronicles, meg cabot's princess diaries' series or neil gaiman's book series) but anything would do just fine, thank you. :)
* a stonefree cd

* sneakers

* a headband

* a "dora the explorer's" socks! haha

* a phone? (hay... next to impossible for the moment, nevertheless...)

#
that's all for now. baka masyado ko matuwa e, mahirap ng sumemplang. :)

Thursday, December 01, 2005

pix and pics and picks!!!

after the fog has cleared. majestic no!



whatcha lookin at there pol?!!? malupit kami ni emman sa cam e.


Angas ng mga naiinitan


pagkagising, syempre picture taking muna. noticed the fog?


the kids are alright

Wednesday, November 30, 2005

Isang Malupit na Adbentyur!



Bilang Sem opener ng UP Explore, napagkasunduan naming lahat na mag-climb na lang para maiba naman at para ma-experience naman ng mga new mems (at old mems din) na umakyat ng bundok kasama ang kanilang walang kasing-bangis na orgmeyts. :) At napadpad na nga kami sa Mt. Maculot na matatagpuan lamang sa may Cuenca, Batangas. Maraming nangyari, good, bad and everything in between. Nariyang matapunan ng gas ang karamihan ng gamit namin at isa sa mga sinawimpalad na minalas ay walang iba kundi...AKO. tsktsk. ambaho ng gas, swear! maligaw-ligaw sa paghahanap ng mismong bundok at pinakamatindi ay mahuli ng MMDA. kamusta naman yon para sa pagtatapos di ba! Pero kung susumahin, hindi ko naman ipagpapalit ang exhilirating feeling ng pagconquer ng isang bundok at syempre pa, ng experiences with my beloved orgmeyts. Yeah!

Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros

nagulat ako sa opening ng pelikulang ito. pero bigla ko ding naalala na indie nga pala ang pinapanood ko so, understandable. Nakakahiya yung simula. kasi alam ko na sanay tayong mga manonood na puro magaganda ang karaniwang pinapakita sa mga pelikula..magandang tanawin, magandang tao, magandang setting. Pero sa pelikulang ito, di mo makikita ang mga bagay na yun. Pero sapul naman di ba? Manila at its "lowest". Pinakita lamang ng direktor ang totoong kalagayan ng Pilipinas at pinortray lang naman ng mga nagsiganap ang pangkaraniwang Pilipino sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Gayunpaman, maganda ang kinalabasan ng pelikula. at least para sakin. nung medyo matagal-tagal na din ang flow ng istorya, iniisip ko na rin agad kung pano nga winakasan ng direktor ang istorya ni maxi? mamamatay ba sya? dead end? o alang kwenta yung ending? sa kabilang banda, katanggap-tanggap naman ang ginawang pagtatapos ni aureaus (close kami di ba!). nasa sa atin ng manonood kung ano at paano sila[mga bida] napunta sa kinalalagyan nila sa pagtatapos ng istorya. at makatotohanan naman sa parte ni maxi kasi napatunayan ko na isang phase lang sa buhay nya si victor. at higit sa lahat, relevant ang istoryang ito. masakit man at nakakahiyang aminin, pero ito ang reyalidad ng buhay sa Pilipinas, ang buhay ng mga mahihirap.

sa opinyon ko, hindi talaga ang istorya ni maxi ang gustong ipaunawa ni aureaus ating mga manonood kundi ang isyung mas malalim pa dun. ang mga panaka-nakang kuha ng kamera sa mga bagay, lugar o tao ay mas mahalaga para maipakita sa lahat ang pang-arar-araw na tanawin natin na naisasawalang bahala na rin natin pero syang sumasalamin sa atin. ang mga spaghetti wires, "kumpare syndrome', imburnal, ilog na madaming basura, barong-barong, Filipino's hospitality at marami pang iba. Relevant para sa mga Pilipino at sa inang Pilipinas.

Natuwa lang ako dahil si maxi ay isang napaka-sweet na bata. totoo. at nakakatuwa lang yung idea kung paano hinandle ni victor ang emotions ni maxi para sa kanya..walang halong pananamantala ng damdamin. and i believe, that's really something.

paboritong linya ko galing kay tatay paco:

"... oo nga't pinalaki kitang magnanakaw, pero mamamatay tao, HINDI!"
go justify. :)
Happy watching!

Tuesday, November 29, 2005

Messages from the Campsite

mushy na kung mushy but i'm so darn proud that the officers heard my suggestion and pursued it.
it's one thing to receive notes and mini messages but it's another thing if it came
from people that you least expect the most to hold different feelings towards you.
ito ang isa sa mga matinong nagawa ng Explore sa bundok despite pagod, puyat at dugyot. :)
sa mga na-offend at naasar sakin, pasensya na.
sa mga natuwa....:)
Hanggang sa mga susunod na peaks, jinx or no jinx!

Friday, November 25, 2005

Jitters!

gotta get through this..
will have so much fun..
there'll be mishaps i bet my...
gonna be one memorable night and day.

Jah Bless Explore!

Thursday, November 24, 2005

Lookin' forward

Bazal, I guess, was still the last challenge I’ve been into. It’s not exactly what you could call mountain climbing. More of a hiking and near-death stunts for some. Anyway, this only means that I haven’t climbed any mountains yet. So it is only natural that I feel really excited about this mountain climbing thing. It’s actually more of a responsibility and challenging tasks ahead, yeah, yeah, but still, a mountain is a mountain. And I haven’t broken my at-least-once-a-year-climb rule yet, so far. So, there. Whatever jitters I’m going through right now would be nothing compare to the exhilarating feelings later on. As for now, I’m just gonna keep my fingers crossed and try to be as prepared as possible.

*Mt. Maculot here I come!

Conversations behind, beside and beyond

While I was walking towards FC building from my Geol 1 class (yes, Geol 1!) this hot, hot afternoon, I overheard different types of conversations. Mind you, I never had any intention to eavesdrop as I have my own life (and growling stomach) to worry too when suddenly I was literally stopped by these two coÑo ladies walking in front of me. I never really understood their conversation because I was listening halfheartedly and I was more interested in their SLOW progress in walking - which by the way, a fellow student from peyups can perfectly understand. All I got was the “y’know”, “well” and “if they were doing that…” with what you can count as a perfect coño  twang. Yeah, whatever that maybe. its just that it sounds annoying.


After finally reaching FC, another 2 ladies were or should I say one was seriously discussing something as the other one intently listens. Their topic was the 'glamorous' world of philosophy. She was arguing with her premise that nature should blah blah blah and that philosophically speaking it isn’t right blah blah blah. The rest was gibberish that I could never understand for the life of me. Hay.

See how boring my life is lately.

Interesting.

Thursday, November 17, 2005

Harry Potter and the Goblet of Fire

my favorite scene! :)
eto yung binabatuk-batukan ni snape si harry at si ron.

Roland was Aragorn

wala munang OTH para sakin (and the likes). di pa nila pinapalabas sa star world. di naman ako makanuod sa ETC kasi ang aga. Pero Smallville naman pumalit e kaya ayos lang din. so, habang nagchachanel surf ako kagabi nakita kong Return of the King ang palabas sa HBO. As always amazed na naman ako. Narealize ko that night na sa big screen ko pa sya las na napanood. Dahil nga sa namesmerize ako e pinanood ko na din kahit yung last hour na lang. Ang ganda talaga. nakita ko na naman si (my) King Aragorn at bigla kong inimagine sya bilang si Roland the Gunslinger. Nakakapraning kasi pwede sya if ever! Dark haired nga lang dapat sya at mas toughie. as of that moment e never pang sumagi sa isip ko kung sino ang pwedeng gumanap na Roland kung magkakaroon man ng film adaptation ang Dark Tower Series (although mahirap!). Ayun, spur of the moment lang talaga. At excited na talaga kong matapos tong series na to kaya talagang hiniram ko na kay Popsie yung 2 remaining books. Can't wait.

As for Lord of the Rings. sobrang nasa high order of my movie list ang trilogy na ito, lalo na yung Return of the King.nakakamiss na nga yung mga casts e. san na kaya sila ngayon. si merry e nasa Lost (o si pippin?) si elijah ba san na kaya? si viggo unfortunately di ko napanood yung latest fim nya. sayang. Aragorn and Roland Deschain of Gilead...ultimate role if ever. :)

Monday, November 14, 2005

Hmmp!

ang hirap talagang maghabol sa mga taong tinataboy ka na ng harap-harapan. pero di ko na i-eelaborate pa ang mga unfortunate events sa buhay ko. sobra na ang drama. anyway too much drama can be superficial sometimes. haha. whatever.

kwentong delingkwente

DQ.

terible pakinggan di ba? pero yun ako mismo nitong nakaraang sem kaya nagkandaletse-letse na ang registration ko for this sem at ang pinakaaasam-asam kong graduation ay hindi pa rin mangyayari. nakakasawa na din talaga lalo na pag feeling mo ginawa mo naman talaga yung best mo. pero nakakaguilty din kasi alam mo na ikaw lang naman ang may kagagawan ng lahat ng paghihirap na ito.

buti na lang kamo at lumipas na ang mga rantings ko sa buhay. kung pano magpabalik-balik sa isang propesor na lagi ka naman pinagtatabuyan, bina-black mail at kung anu ano pang ka-echosan sa buhay. Nga pala, kung last sem e INC is the trend, this sem DQ is the new trend!!! at ang mga trendsetters...walang iba kundi ang mababangis na Geog Majors!kahit na nakakahiya, kebs! at least di pala ko nag-iisa.and i guess, kahit pa selfish pakinggan, that's the only thing that matters for now.

Sunday, November 06, 2005

Advance Happy Birthday Ed!!!!


Well, dahil sa wala kong mahagilap na ibang picture mo pa, eto na lang. at least kasama din ako at si izay at harlon pa (Go UPX!) . lahat pa tayo naka-black. haha.
Wuppee Berhdey Vain guy!
Sa wakas 20 ka na rin! kala mo ha.
so, after ng batian di ba chibugan na? :)
San tayo? Naiimagine ko na sagot mo. hmmpp..kuripss..
* izay, me, birthday guy, harlon.

Happy Birthday Tel!!!


Happy Birthday Chantel Girl!
Miss ko na tong kaibigan kong to!
Isang babaeng nababaliw sa beach at mahal ang Sorsogon. Weeehh!
Jah Bless!

Worries

*Worry Number 1:
that i might not finish my thesis (still?) in time for enrolment. i'm screwed! i'm into so much trouble dunno where and how to get out of it.

*Worry Number 2:
am i alone? no i guess in this one i am quite sure i am not alone. but i know someone who only passed 6 units of her past acad loads. hmm...

*Worry Number 3:
They're coming ba-ack!! tomorrow my friends, i am once again in chaos. so much for peace and stuff..

*Worry Number 4:
the usual enlistment and registration blues. yeah yeah yeah..endless lines we meet again (for the 14th time!). i've been in peyups too long im beginning to fade away. gotta gotta get out here soon...

*Worry Number 5:
i don't worry much nowadays of being a loser. i was. i am. i will be. sore eh?

*Worry Number 6:
that we will not live to see the day that the world would really achieve "world peace", that there are too many people dying and getting hungry every second, that TomKat would really last forever, that whoever wins PBB would be such a star someday, that the Pope ain't gonna come in Asia for that matter, that the Philippines is losing its battle (and purpose perhaps), that i may graduate without.... Man! i'm sore.

#
thanks hannee for the prayers!

Thursday, November 03, 2005

Recaps

*
It's only normal that after the much awaited arrival of the 'other half', chaos came next. but it's actually the good kind, although it still kinda get into my nerves. i have a lot of things in my mind. i imagined and realized a lot of stuff when he arrived. very complicated though. and perhaps the moment had already passed.

* A PLEASANT SURPRISE
just as when i thought that people here did actually forgot about our very existence, along came some surprise. i love surprises! whether good or bad. i dunno. i just do. i guess magic here sometimes do comes back.

*
i know im not making much sense but i'm feeling good. i've temporarily buried the things that i should-have-done-before-but-obviously-did-not-do and that was really something. unloading the academic baggages. but somehow time always has its way of being recognized. darn.

*
too much to tell, too lazy to do.

Friday, October 21, 2005

Remember...

Stand by*


As I finally bid this sem goodbye, I just want to share that I have never felt so futile and bozo than ever before. I understand the "we gotta accept things as they are" crap and I’m old enough to understand this stuff, but sometimes, sometimes I can’t really help but wonder when will my own stars start to realign itself for me to see a brighter future. What is in store for this scarred soul? And when would I ever learn?



Err.. I’m supposed to say happy vacation but I’m in to too much trouble to even say that, so I’d just post this song for everyone who might be feeling the same. Adios.

Everybody hurts
-REM-
When the day is long and the night,
the night is yours alone,
When you're sure you've had enough of this life,
well hang on
Don't let yourself go,
'cause everybody cries
and everybody hurts sometimes
Sometimes everything is wrong.
Now it's time to sing along
When your day is night alone, (hold on, hold on)
If you feel like letting go, (hold on)
When you think you've had too much of this life,
well hang on
'Cause everybody hurts.
Take comfort in your friends
Everybody hurts.
Don't throw your hand. Oh, no.
Don't throw your hand
If you feel like you're alone,
no, no, no, you are not alone
If you're on your own in this life,
the days and nights are long,
When you think you've had too much of this life to hang on
Well, everybody hurts sometimes,
Everybody cries. And everybody hurts sometimes
And everybody hurts sometimes.
So, hold on, hold on
Hold on, hold on, hold on, hold on, hold on, hold on
Everybody hurts.
You are not alone.
* as what kimi said i should do.

Maybe


Maybe life wouldn’t be too normal after all. Maybe after this task, another one will come up. Maybe I will never sleep sound again, nor think of things the same way again. Maybe I’ll pass after flunking too many times, or maybe not. Maybe I was destined to be a queen for a day and slave for the rest of the time. Maybe I should have closed my eyes, should have closed my ears, my heart, my brain before and for days to follow just so not to feel anything. Maybe I’m getting tired or maybe I could be just starting. Maybe I never did grow up nor had experienced being a child. Maybe tomorrow pigs could fly and I could finally lie to have my most sought after peace of mind. Maybe not in this lifetime. Maybe in the afterlife. Maybe never at all. Just maybe.

Into each life....


some rain must fall.

Exactly how much rain should be pouring on me, i am now oblivious.

all i know is that it's as STRONG as it can get.

Tuesday, October 18, 2005

The five songs...

...that never fail to escape my nevertheless shrinking brain. Hay, kahit libong ulit ko pa syang marinig, okey lang. Helps me keep sane. Thank God for some music!!
  • The Killers- Mr. Brightside
  • Parokya ni Edgar- Order Taker
  • Fall Out Boy- Sugar We're Going Down
  • Itchyworms- Akin ka na lang
  • Lifehouse- Blind

Monday, October 17, 2005

NachoFast after 159


Kimi.Marye.Ed

Blue Babies at Wham!


While other Geog majors were drinking and enjoying in Simmer down,
eto kami at nagpicture-taking muna bago kumain sa Wham!
I like their color, blue and orange!
Me, Juraine and Ed. Si Kimi kumuha ng pix. nyahaha.

Friday, October 14, 2005

INC is the new trend!!

Opo. totoo ito. Kung gagawa nga lang ako ng survey ngayon ng mga taong nakakuha ng Incomplete, e aba, tiba-tiba yata ako! Syempre hindi naman natin gusto ang magkaroon ng INC pero mas okey na iyon kesa sa 4 o 5 di ba?

Andami namin! yung iba graduating pa kamo. Madami kasing nag-iinarteng prof dyan, yung gusto pang makita yung "paboritong" estudyante nila (hala, issue!). Pambihira, pambihira talaga. Out of 21 units ko e mukhang 12 units lang ang maipapasa ko. Waah. At pag minalas-malas pa, magiging 9 units pa yon. waaah uli.

Pero at least, alam kong di ako nag-iisa. So para sa kapwa ko mga INC, guys we're creating a new trend! Hahaha!

Welcome to the delinquent world of mine.

Hansakit sa leekod!

ayan. ganyan ang epekto sa grammar ng nararamdaman ko, naming 11 dito sa 104 (nasa mezzanine pala ko sa kasalukuyan actually). ikaw na ang humarap sa computer screen sa loob ng 10 oras, kamusta naman yon di ba?!

masakit na talaga sa likod, sa mata, sa utak, sa heart, etc. Isinantabi na muna namin (at least namin) ang aming mga naggagandahan at naglulupitang mga thesis. Hay, napakasakit talagang isipin na ang dami pang gagawin sa mga susunod na araw kung saan gusto mo na lang sanang humiga at matulog ng 10 years. If only. Gusto ko nang humimlay at matahimik sa lahat ng academic baggage ngayon.

Ang tagal pa bago makakarating yung pina-deliver namin, gutom na gutom na ko.

The phone here sucks.

Sigh.

Wednesday, October 12, 2005

Sophia and Chad: OVER!

wahaha. hindi ako fan ni chad michael murray at lalong hindi rin ako fan ni sophia bush. i don't even like brooke in OTH. pero kasi, fan ako ng lucas-and-peyton tandem e. sayang, hindi sila nagkatuluyan. parang sandali lang yung 'love' story nila sa season 2 at bigla na din agad nag-shift sa iba. dahil ba iyon sa pagpapakasal nila ni brooke in real life?just like that, they gave up one another. pero bow naman ako kay peyton kasi pinakawalan nya si lucas para sa bestfriend nya, dahil after all, "i cannot betray her!". hehe. di naman masyadong adik no.

pero ano itong nabasa ko na tapos na ang season 2 sa pinas! waahh. nahuhuli na ako, wala kasing etc samin e. sa star world lang ako nakakapanood e. oh well, at least meron di ba? dyaskeng cable naman meron kasi kami e. nagsimula na ang season 3 sa states at i agree pipol, na after 10 years pa dadating satin ang season 3. haha!

so now that they're finally off, im pretty excited kung anong mangyayari sa mga susunod na episodes. pambihira nahuhuli na ako masyado!!

lucas and peyton pa rin! woohoo.

only shows how ..... i am.

Tuesday, October 11, 2005

A European Afternoon

Cine Europa 2005 at Shangri-La
Kimi, Ray and I watched "A man not Wanted", an Italian film, with subtitles, of course.
How was it? okay naman e, me boring parts (sobrang boring tinulugan ni kimi!)
pero at the end, nakakatuwa.
Rated R pala sya. Nagtataka pa kami kung bakit...
hmm...nung napanuod namin..kaya pala!
Libre lang to. Sayang at medyo huli na nung nalaman namin.
Isa lang tuloy napanuod ko. dami pa namang maganda.
Next in line, cinemanila! woohoo!

see us in black and white

Dinner during the Seminar with the Korean Guests
ngayon lang lumabas, matagal na 'to e.
takaw ni jake.
Sir Aleks, center.
juraine [pa] cute.
Ed..hmm
Me!

Wednesday, October 05, 2005

MOVE!

i should be doing much better things than this.
way, way more important things than this.
when the smoke clears, i'm really gonna spend some time on the moon.

but then again, i probably cannot afford going to the moon by that time. everything has been exhausted already.

darn.

Thursday, September 29, 2005

My South Park Character!

Weeee!! Weee!!!
Finally! after 11 years e nailagay ko din ang aking "shocked" south park character.
simple lang sya. mukha naman.
but i like the color of the dress. wahaha.

as toxic as you can get

this is precisely the epitomy of a hell week.
i'm going down...down...down...
Hell yeah!

The Best News So Far!!!

i've been wanting to post this but due to a very hazy-crazy schedule, i haven't visited the net for two days. hehe. while we were watching our friends' "napa-funk-nahon e2" dance recital in gym (which was very cool by the way!) i received this txt message:

"mariela ur exempted with a prefinal grade of 83 nd u hav o absences n geog 185. U may stil take d finals in october 4 830-1030 at ph 206. Pls txt bak for ur plans, if u hav questions, txt me."

the whole text itself, unedited. wahaha. medyo nagulat pa mga kasama ko sa sudden outbreak ko. my classmates will understand how much this means to me. although mababa pa yung 83, pero ayoko ng mamrublema pa kaya ok na rin sakin yun. not bad for 185. My Gulay, 185 to!

Thursday, September 22, 2005

A vote was cast

First time kong bumoto para sa NU Rock Awards. Pambihira, di man lang ako napasabihan na lahat ng nominees dun e halos lahat na ng bands sa pinoy music scene. So kamusta naman ang pamimili? Ang hirap kaya. Di ako ready. Pero nagmamadali din ako at isang beses lang mangyayaring may booth sila sa Metro East. So, go pa rin! Kasabay ko pa nga ang mga may identity crisis na punkista/rocker/jologs e. wehehe. Pasensya na sa mga nakalimutan ko. Kahit sino na lang tuloy nilagay ko doon sa ibang categories. Pero syempre may mga favorites pa rin ako. At sorry, pero lumabas ang pagka-UP-centric ko. Hehe. Kaasar nga lang, walang libreng stickers ngayon. Hmpp.

Happy 10th Anniversary UP Sorg!

Yesterday, with some members and a handful of alumni, we celebrated UP Sorsogueños’ 10th Anniversary in our dear reliable tambayan! Yey! Sampung taon na kami for that and I’m glad that I’ve been part of it. Come to think of it, kalahating dekada na rin pala ko sa Sorg! Yikes. Tumatanda na talaga. Parang kelan lang ay may mga freshie na na-recruit (nauto?!!) si Jonathan (the then membership committee head in our time). Tanda ko pa na mixed emotions ang nararamdaman namin that time kasi nga mga “inosenteng syano at syana” pa kami nun ng mga batch mates ko! I remember na marami kaming sumali but then, habang umuusad ang application ay unti-unting nawawala ang iba. Nalaman na lang namin (after being a certified Sorg) na nagpunta na sa kabilang bakuran ang karamihan sa kanila. Sad to say, anim na lang kaming naiwan. Pero malupit yung anim na yun. Hehe.

Having an org in UP is really invaluable. Totoong home away from home. At para sa mga baguhang tulad namin that time, isang malaking tulong ang magkaron ng mga kaibigang mapupuntahan mo at makakatulong sayo in times of need. Masaya ang feeling kapag nagsasalita na ng bicol-sorsogon language pagkatapos ng isang mahabang araw sa pananagalog. Nakakamiss yun.

The org has been through so much storms and we do not deny that we almost gave up. Pero sabi nga nila, habang may nagmamalasakit pa sa organisasyon, hindi ito mabubuwag. We started again from scratch and slowly picked our way up, and thank God we made it. At ngayon, eto na nga. Sampung taon na kami!

Sa kasalukuyang officers ng UP Sorg, sobrang wala akong masasabi dahil successful naman sila sa lahat ng projects na ginagawa nila. Kahit na mga bata pa, pinatunayan nyo ang inyong mga sarili. Hindi na nga siguro ako nakakapunta ng Vinzon’s these past few days, pero pag napupunta naman ako dun e sobrang worth it naman ang aabutan mo. Sorg has been and still one of my lifelines. Siguro nga priorities may have changed at syempre napag-iwanan na ng mga batch mates pero, di ko pa din ipagpapalit ang Sorgie sa iba dyan! Yadi an tunay na mga uragon na tawo! Laen amo?


#
Batch dos mil rocks! (kami yun!)
An kalayo san karaba buhay pa?
An pasitis, maharang pa?
An kahimanwa haen na?
Welcome batch lagting! (ano ngani yadto gihapon?) hehe

HAPPY 10TH ANNIVERSARY UP SORSOGUEÑOS!!!

Thursday, September 15, 2005

May bahid ng Katotohanan :)

Your Personality Profile

You are funky, outdoorsy, and down to earth.
While you may not be a total hippie...
You're definitely one of the most free spirited people around.

You are very impulsive - every day is a new adventure.
However, you do put some thought behind all your actions.
Still, you do tend to shock and offend people from time to time!

Found it at last!

"You're off the hook. I've never put much faith in that whole if you love someone set them free crap as evidence by everything I've done in my life up to this very moment. I'm determined to be happy, Joey, happy in this life. And I love you, I've always always loved you. But, our timing has just never been right and the way I figure time is no man's friend so I have to get right with that, and be happy now. Cause this is all we get. I also want for you to be happy. It's really important for me that you be happy. I want you to be with someone; whether it be Dawson, a New York guy or someone you haven't even met. I want you to be with someone who can be a part of the life you want for yourself. I want you to be with someone who makes you feel the way I feel when I'm with you. So, I guess the point to this long run-on sentence that has bitten the last 10 years of our lives is just that the simple act of loving you is enough for me."
-Pacey on Joey

*this is my favorite line, (mahaba sya!) actually, litanya na pala ni Pacey. The best Season Finale. I'm so glad na napanood ko ang final 2 episodes. Madrama na masaya na nakakalungkot. I missed watching Dawson's Creek in fairness. Pero. matanda na rin sila, they have already moved on, so should we.:)

Wednesday, September 14, 2005

ngekngek

You are the most universal mythical beast ever. Sightings of the unicorn have been reported from all over the world, even in modern times. Unicorns are pure and incorruptible. In China, unicorns symbolized gentleness, good will, and wisdom. Christianity links the unicorn with Christ. It is said that unicorns would only allow virgin girls to see them, let alone touch them. They were easily lured into fatal ambushes by a virgin with some poachers waiting for the unicorn in nearby bushes. A unicorn's horn was a highly prized possession, which was reputed to have great healing capabilities. With the touch of its horn, a unicorn could bring back a person who had been dead for several hours. But when separated from the unicorn's body, the magic was significantly reduced. The unicorn had the body of a horse, a unique spiraling horn, and a lion's tail. They were pure white in color.

What mythical beast best represents you? Take the quiz!

grow up!

meron yatang natuwa masyado sa buhay ko na medyo ginagaya na ata ang lifestyle ko. matatanggap ko pa yung mga dress stuff, personal stuff. pero ngayon, tsk tsk. sure na. pati tsinelas ko, me nabubuo nang alagad e!

konting originality naman dyan!

Little by little

some people were wondering kung ano na daw nangyari kay clark at wala ng updates tungkol sa kanya. well, sabihin na lang natin na clark has moved on to a different path, a path outside my system. it's probably true na hindi pa talaga final, pero all in all, nag-subside na ang giddiness, elation (?!!?) and happiness na binibigay nya sakin dati (syempre di sya aware dun no!). at as usual, napaisip na naman ako na ang korni korni ko talaga nung mga time nayun. hay!

Bakit hindi pa totally wala? syempre paminsan-minsan di pa rin maiwasan na kapag nakikita ko sya e naa-amaze pa rin ako sa kanya, di na nga lang ganun katindi ng dati. and some of my friends know this, once that i've let go of someone, for sure wala nang lingunan yun. kahit pa sabihing "he suddenly saw me in a different light" (which is the case of toxicity!), wala na talaga. Ganun lang siguro talaga ko. Fixed na utak ko dun. At least may mga bagay pa sa buhay ko na firm ako.

So, hanggang meron pang konti, di ko dinedeny na meron pa ngang konting-konti.hehe. cos if i ever come to that point, there won't be any looking back for me with clark. and that's final.

of conquering that...

Yesterday was one of the most draining days i've ever hard. I was living in tension the whole time what with academic duty and administrative duty (for the lack of appropriate word). It was probably my fault not doing things that i should have done way, way back. but past is past, i can only live in today, and that day, i hafta do the darn thesis proposal. So, comes the tale of a long day ahead, one filled with tension, dread and fear.

Know what? i wouldn't even bore you with the details of what happened and did not that fateful night, instead i'll go straight to the most important part: I DID IT! yeah. who would have thought? all sort of bad things and idea have been said and thought of but in the end, the only thing that mattered is that i did it. I conquered it. And that I guess, is all that matters. At least for now.

* sa mga taong tumulong sakin na hindi masibak nung araw na yun, SOBRANG SALAMAT! Kay Pam, Sarah & Ice. Sa lahat ng nag-gudlak sakin, malufet ata kayo eh! Salamat!
** sa mga kasabay kong mag-defend kagabi na sina Ed, Nemon, Gerry, Ice, Ina, at Rey, weeee! we're done. at least for the time being!

Friday, September 09, 2005

so not happening...

Help me remember not to forget these stuff that is happening all around me.
Madness. Utter madness.
Told ya, my memory's waning.

Tamad ako

i'm slowly killing myself as each day progresses, pero wag ka! nakakapagbasa pa ko ng libro (non-academic).

reklamo, reklamo, reklamo. pero walang ginagawa para mabawasan ang workload.

ang kulit ko.

*sorry hannee!di ko lang mapigilang magbasa e. papakatino na ko tlga. :)

Good 'ol buddy Jom!

may nabuhay! a few moments ago lang e nabasa ko ang email ng aking good friend na si jom jom. yup, IV-1 Batch 2Ks one and only INTARMED dude sa UP Manila! ipagmayabang daw ba kita dito. After 11 years e nagparamdam uli sya kahit puro invites at creepiness yung laman. the last time i saw him was around February pa when he donated blood to the late Jed (hi girl, how's papa Jesus there?). So kumusta naman di ba?

wala lang. namiss ko lang sya. he's my greatest influence in rock music scene. sya ang nagpakilala sakin sa Oasis, Third Eye Blind, etc. And the whole Pinoy Rock scene. Isang malupit na gitarista ang maangas at napaka-OC na batang ito. hay, the good old times. How i've missed it.

*i have to see you soon padi!

Patahimikin!!

AYAN! bakit ba napapaligiran ako ng mga pasaway na tao?!! nabura ni raymond yung tinatype ko.WAAAAHHHH! Pasaway! Ayan, extra ka pa tuloy sa blog ko. hmppph!

Na Naman!

nakakaasar lang. nawindang na naman akong magpalit ng passwords ng mga account ko. kasi naman! ayan pinalitan ko na bawat address, masyado na kasing halata. gudlak na lang sakin sa pag-alala ng what's what and who's who. me memory gap pa naman ako ngayon. arrggghhh.

Monday, September 05, 2005

Yey!

Nakaraos din sa FR ng Explore. Congratulations uli sa mga new mems! sana di rito matapos yun. madami pang activities ahead. Kayang kaya basta sama-sama! naks. pero totoo yun in fairness! Mag-active tayong lahat para masaya!
Fix You
-Coldplay-

when you try your best but you don't succeed
when you get what you want
but not what you need
when you feel so tired
but you can't sleep
stuck in reverse

and the tears come streaming down your face
when you lose something you can't replace
when you love someone
but it goes to waste
could it be worse?

lights will guide you home
and ignite your bones
and i will try to fix you

and high up above or down below
when you're too in love to let it go
but if you never try you'll never know
just what you're worth

lights will guide you home
and ignite your bones
and i will try to fix you

tears stream down your face
when you lose something you cannot replace

tears stream down on your face
and i...

tears stream down on your face
and i promise, i will learn from your mistakes

tears stream down on your face
and i...

lights will guide you home
and ignite your bones
and i will try to fix you

* how sweet it is to be loved by him...luckyluckylucky gwyneth!

wastedness

if ever there's such a word as "wastedness", then good. i have nothing to worry about grammatical error whatsoever (because i am really prone to it), but if there's none, well then, i am making one. i was not the one who went through this wastedness (you can return to your normal eyes now!). i dunno. i'd like to think that we aren't really aware of what we're doing while we hang in wastedness. there could be a limit and can you extend it? again, i dunno. i am not in a position to draw conclusions for i haven't experienced such wastedness yet. in other stuff maybe, but still, there's a heck of a difference.

oh, and in case you're wondering why i stand firm in NOT experiencing such wastedness, because it is about getting DRUNK. thank God for that.

* what's next? can they even look into each other's eyes after that night's fiasco? tsk.tsk.

Monday, August 29, 2005

Second

Let There Be Love
-Oasis-

Who kicked a hole in the sky so the heavens would cry over me?
Who stole the soul from the sun in a world come undone at the seams?
Let there be love

I hope the weather is calm as you sail up your heavenly stream
Suspended clear in the sky are the words that we sing in our dreams
Let there be love

Come on Baby Blue
Shake up your tired eyes
The world is waiting for you
May all your dreaming fill the empty sky
But if it makes you happy
Keep on clapping
Just remember Ill be by your side
And if you dont let go its gonna pass you by

Noel's part is the best. The brothers are on it again. They may have had their share of embarassing quarrels in the past, it is obviously not the current state. they must have soften up...a bit. If they actually lasts longer than a year without fighting one another, well, they're really gonna be one hell of a band. Talk about Britpop. (britpop's not necessarily pop. it's actually the rock scene movers which includes of Oasis, Coldplay, Blur, The Killers, etc).

Sunday, August 28, 2005

current obsessions

*
Sa wakas, natapos ko na din ang Black House after 11 years! I actually did it. Not touch the book and read on until the wee hours of the morning. Kailangan talagang di magpa-tempt dahil sobrang toxic ang nakaraang linggong 'to para sa akin! Buti na lang at tapos na. Nwey, back to Jack Sawyer. Di ko inaasahan ang ending ng Black House. Honest. Nagulat ako. I guess, nasanay lang ako sa usual open-ended stories. Although, I must admit na hindi ako natuwa sa kanya nung inumpisahan ko sya. Nakakabore kasi. Pero syempre, pinagtyagaan ko pa rin. May magaganda namang part pero yun pa kamo yung maiiksi. Hay.. Ano kayang nasa utak nila pareng Stephen at Peter no! siguro nag-expect lang ako ng further explanations at pangyayari sa buhay ni Jack right after the Talisman years. Obviously, iba ang nasa isip nila nung ginawa nila ang BH.

Can't wait to read the Dark Tower Series. Hay...oras, kailangan ko ng oras!

Wonder if I have my own twinner. Hmmm. Magandang escape ang pagpunta sa Territories especially at times like these.. too much chaos in the world..

*
Already had too many discussions regarding HP6. Medyo nagiging redundant na din ako kaya di na ko mag-e-elaborate pa. Excited na ko sa HP7 pero naman, in 2 years pa yata yun. Imagine! two long years..

Hmm..DD's not dead.

Ayokong paniwalaan pero maybe, just maybe, Snape isn't too bad after all.

Anong utak meron ka JK!


Music Musings

#
i can't seem to find the lyrics of this Mojofly song "tumatakbo" (unless if i buy the album maybe!). Sapul na sapul. For the lack of better words to say. Sabi nga ni Lougee kanina (we're so close!) sa jam sessions kanina, para talaga sya sa mga taong tumatanda na... I see...

#
Sobrang cool talaga ang Bridge! lil_honey, burn mo naman ako cd nila. hehe. Syempre, di pa kaya ng budget ko as of now. daming pinagkakagastusan. Guest naman sila sa RT Live Sessions ngayon na! Patapos na pala actually. Galing galing talaga at pambihirang patis talaga, pamatay ang boses ni bokalistang Danao. sayang di sila nag-cover ng pearl jam ngayon. DMB lang, pero oks pa rin. Mabuhay ang musikerong pinoy!

#
Di ko pa mahanap ang Video ng "Let there Be Love", meron na kaya? Gusto ko nang makita. sana maganda din, kasing soothing ng boses ni Noel. :)
Happy Sunday!

fatal for this life

kumusta naman ang may 2 exams? Maswerte pa nga kung maka-14 per cent ako sa Math 14. Badtrip! Arrrgghh!

I know, I know it's my fault, who else is to blame? Andaming beses kong pinalampas ang pagkakataon na mag-aral. Nakakaantok kasi. Nakakatamad. Kaya ayan, tatamarin din sila sa pag-ge-grade sakin. Waahhh.

Inatake na naman ako ng katamaran at antok sa mismong exam. Lagi na lang. Mga 30 minutes akong wasted at walang ginagawa dahil sobrang blangko ang utak ko. kahit nga yata tong artik na ito e feeling ko wala din sa ayos. Arrggghhh.

tsaka na..

Wed-goodness-day!

15 minutes! Late ako ng 15 minutes sa sinabing call time sa conference. Tsk, tsk. This is not me. Buti na lang e wala pang ibang tao aside from the other staff. Ladies and Gentlemen, we were actually behind the original schedule and would you believe that the opening speaker was actually the one who suggested to start the program. so much for preparation. Nagulat pa ko dahil first time kong makitang magalit si Sir Mel. Yes! our very own Sir Mel was actually bellowing that morning. Nwey, buti na lang naayos din agad.

Masaya naman sya in fairness. Binawi ng food at sangkatutak na peechur taking. May trabaho pa nga in between pero okay lang naman. At least nagawa ko yung isang bagay na dapat ko talagang ma-accomplish that day: magpa-evaluate. Which brings me to my age-old question again. Hay, ako okay lang naman, pero sila, ayaw na nila.hehe.

Food was really great though, especially the veggie stuff and the wonderful watermelon, kahit di sya ganun katamis. It's not everyday I get to eat one of those anyway, so keri lang.

Everywhere I turn, conversations are flying. Ang liit talaga ng mundo para sa mga Geography majors sa Pinas! E kami lang yun eh! But I'm glad that I am one of them. ngers..




By the way, something happened along the way...:)

Saturday, August 27, 2005

In A Nutshell

gusto kong ikwento lahat ng nangyari sakin these past few days kaya lang sa sobrang dami ng mga yun, di ko rin maja-justify lahat no matter how good or bad pa. so, saan ba ko dapat magsimula..

Medyo hell week ang linggong ito para sa akin. Andaming lugar at pangyayari na gusto kong puntahan na syempre hindi naman pwede di ba! Nagkapatung-patong sila to the point na marami akong nakalimutan at napabayaan. So, gudlak na lang sa graduation na pinapangarap ko.

Napaka-redundant ko pa. Tsk.Tsk. Ansagwa.

Friday, August 26, 2005

Mah Soul Brotha'

Here is a guy whom i would like to think as my guy version. Although there is so much more in him than there could be in me, i see the similarities all the same. My first taste of raining trivias, gizmos, airplanes, techie stuff, Altic Lansing, Divisoria, super-green as well as corny jokes, rain-soaked ride to and from Batangas. My conscience, my evil master, my mover, my shaker. He is the only guy who knows my topsy-turvy-rollercoaster-sappy-boring-corny-secret life. The one who could make me spill my guts and embarassing mishaps and actually laugh about it in the middle of conversations. The one who calls me by many names that I've actually lost track of counting. Of course, i dare not forget the first 2 names: "May Kulangot" and "May Kalabaw". It's a long story it could actually account for a new post.



He is one of the few guys who actually wrestles me in the middle of Palma Hall's lobby. So, how's that for tough love? And indeed, aside from Popsie, he taught me how to not see love in it's usual form. That it actually comes in all shapes, sizes, forms and yeah, colors too. He's one great guy to have, ladies out there (he's NOT single though) as a friend and more-than-a-friend kind. I have been a witness to his many painstakingly endeavors, mishaps, unfaithfulness and foolishness. He's one of those guys who would definitely go to the limits for L-O-V-E. It may not be obvious but he is one corny and mushy guy despite too much testosterone.



Circumstances have proved that despite his easy-go-lucky and naughty attitude, you can absolutely rely on him. Times might have changed and people might do forget, but memories don't. Unless you had amnesia. But even amnesiacs can remember fragments of happy memories (think 50 First Dates) but that is another story again. He always tells me that soon, I have to let go some of the dearest people in my life because it is the simple reality of life. And when I actually learned how to, just look at the result. See who've stayed and see who've left and never came back. Come to think of it, it is actually happening no matter how much I deny it.



See how good and bad influence you are to me, my friend! But you've done a great shaking and teasing there. Like my other friends out there, I am what I am because of you. I missed our movie and shopping dates, Jollibee and kulitan to the max conversations. Dude Pare, you're how old?! Ew, 22. Two years ka ng kuripot.


Labyulabyu Jog! Whoopee Birthday!

Tuesday, August 23, 2005

News from my four corners

I survived the long vacation as you can probably guess. I did a lot of reading, though most of it wasn’t about my soon-to-be report (panic here!). I listened to a lot of music because that’s the only thing I can do while doing stuff. It was real good, yeah.

It’s been ages since I last visited my lola’s house so, I was real excited when we went there. In fairness, I’ve missed my cousins. Even the ill-mannered ones.:) But I especially missed my favorite cousin, Kuya Ryan! His hair is, surprisingly, now longer than mine. I could just imagine him staying an hour longer in the bathroom. So, that would make it two hours tops. Ha!

I am once again cramming for my report due…tomorrow! How I abhor reports!

I’ve got to admit that I am now officially hooked in “Rockstar INXS” show. It’s good, the music they're doing and the little twists the production does to the contestants. I like Marty and Jordis. Mig is also good but he looks old though. Why’s that? Anyway, a little trivia here: Mig was actually born here in Manila! They moved to London when he was just 2. But I swear I’ve never thought he was one. But he looks really Asian.

Maybe, just maybe. There is still a hope for UP Explore’s ACLE presentation. I’m keeping my fingers crossed.

Know what? I have actually talked to a lot of people on the phone yesterday than I could ever imagine. The mishaps will never be gone you bet. I hate and love talking in the phone at the same time. But I could certainly live without one.

Meanwhile, gradpic day is coming. 3 more days to go. Gotta, gotta decide what to do.




*i'm beginning to think of a career as an urban transport planner....or not...it's the darn report! ew!

Thursday, August 18, 2005

what lies ahead is...

a long and boring weekend for me.. oh goodness, help me get through this.
will be hibernating for some time..oh well, see you around world.
give me some juicy stuff when i get back. :(

something from ice

Seven things that scare you:
1. confrontations
2. snatchers
3. mabingi
4. mabulag
5. bumagsak na naman ng math
6. to not graduate in time of...
7. mamatay sa walang kakwenta-kwentang dahilan

Seven things you like the most:
1. Music
2. books
3. movies
4. laughter
5. watermelons
6. mountains
7. ice cream

Seven important things in your room:
1. my backpack
2. books
3. up to the ceiling readings!
4. blanket
5. tapes & cds
6. my TOP SECRET notebook since 14
7. radio

Seven random facts about you:
1. mababaw ang kaligayahan ko
2. pangarap kong magkaron ng alagang pagong
3. i collect baby-sitters club series..wahaha
4. hindi pa ko nakakasakay ng eroplano
5. fan ako ng hanson
6. i've got no baby pictures.beats me.
7. when i was in 6th grade, i wanted to be an astronaut so bad..haha

Seven things you plan to do before you die:
1. to participate in any fun run (10k up)
2. pumunta sa Machu Picchu
3. Mag-bungee jumping
4. Hotel Hopping
5. Manood ng live concert ng Oasis
6. cross a desert
7. mag-ride-all-you-can sa Disneyland

Seven things you can do:
1. magpatawa
2. kumain ng okra
3. listen
4. write stuff
5. watch a movie alone
6. manood ng tv forever (basta may cable!)
7. cram

Seven things you can't do:
1. swim
2. dance
3. draw
4. pass math? waaahh
5. roll my tongue
6. wear skimpy clothing! ugh
7. forget


Seven things that attract you to the opposite sex:
1. nice smell
2. braces
3. pagkapayat
4. height
5. sense of humor
6. rocker na di halata
7. memory capacity


Seven things you say the most:
1. pambihirang patis!
2. ungas
3. muka mo!
4. ano beh?!
5. gutom na ko.
6. andyan na sya?
7. hwatt!

Seven celeb crushes (whether local or foreign)
1. Viggo Mortensen
2. Shia LeBeouf
3. Milo Ventimiglia
4. Zachary Walker Hanson
5. Buddy Zabala
6. Miko Hughes
7. Adam Lamberg

Seven people you want to see to take this quiz:
1. hannee
2. graciela
3. boy-okoy
4. ed
5. matot
6. teddie
7. jayson

* thanks ice!

Wednesday, August 17, 2005

di ko nagets..

I was tagged by graciela so...
1. What are the things you enjoy doing when there's no one around you?
- read books
- daydream
- magsulat ng mga kasuklam suklam na pangyayari sa buhay.
- kumain ng patago. wahaha
2. What lowers your stress/blood pressure/anxiety level?
- loud music
- reading My Girl.
- friends that push me to my closer to my goal..nyahaha
- eating my heart out.
-tv!
kailangan ba talagang mag-tag? hmmf..si honey na lang, matot at jayson.
hehe.

Saturday, August 13, 2005

ano ba talaga mariela?!

katulad ng kaibigan ko, nagiging inconsistent na din yata ako. huhu. nung isang araw lang, halos matulala na ko sa kakaisip ng mga nakakaasar na bagay at pangyayari sa buhay ko. halos lumuha ng dugo ang screen sa galit na naramdaman ko nung araw na yun. nakisabay pa ata ang langit sa problema ko. tapos ngayon, ito lang? isang simpleng katagang ni hindi man lang nga nanggaling sa bibig nya e tumitiklop ako. i hate the term. di naman talaga ganun.

pero minsan naiisip ko, bakit nga ko nagkakaganito sa isang taong mataas pa sa Sears Tower ang tinitingnan. isang taong kahit kailan e di matututong tumingin sa paligid nya. hay, sentimentalidad, pag napasok nga sa puso ninuman, hahamakin ang lahat lalo na ang mga korning nilalang...


...katulad ko.


*ano nga yung pangalan ng nagdesign ng eiffel tower at statue of liberty? me prize ang makahula! walang gamitan ng net ha!!!lagay nyo sa tagboard ko.hehe. this is fun!

of chlorine, tropical hut, arcview and domino's pizza

after "swimming" in a hopelessly unfashionable way there is, i managed to cross the darn water. of course, that is after almost swallowing a pail of water (i know, it really sounds ugh). but the euphoria of achieving something is well beyond what human can imagine, at least for me. so, it isn't surprising that i ate like a pig (again!) after the session. you should have seen kimi and I's table.haha! more of a feast for four. Sarsi is not feeling well, so there.

against our will, we dropped by the lab to do some stuff. yeah right! as if i can accomplish something. but to our amazement (again!), pinky told us to order anything we want (as long as it's under 500 pesos only. ngi!). so there, we were once again, lazy 'ol pigs again.

by the way, i haven't done anything progressive yet.

and i'm getting thirsty.

Thursday, August 11, 2005

waiting indeed

"Waiting For The Light To Change"
-Tonic-

Brazen is love's redeemer
When you have so far to go
It loves the true believer
For the innocence they own

Life is good Life is grand
When you're sittin' on top of the world
Life is good when it's in your hands your hands
And nobody can change your world

I'm just waiting for the light to change
I'm just waiting for the light to change
I'm just waiting for the light to change
I'm just waiting

All my prize possessions
That I thought I needed so
Dragged me down on a razor
With a heaviness they tow
always searching for a love that's in bloom
it's a warm and soft embrace
Hoping you'll never be lonely again
It's a fear that you just can't face

[CHORUS]

Life is good and life is grand
When you're sitting on top of the world
Life is good when it's in your hands your hands
And nobody can change your world

[CHORUS]

I'm just waiting, I'm just waiting,
I'm just waiting, I'm just waiting

*i just love tonic's music.

fading...Melancholic Song Part I

"Sad Peter Pan"
-Smashing Pumpkins-

It's the plan of most
To discover that magnificent ghost
When did I get perverted
And my innocent eyes diverted from the view so grand
Imbued with distractions
I'm greedy like Senior Babbitt
I'm just chasing that electric rabbit
I'm a reluctant rebel
I just want to be Aaron Neville
With a crown on my head
And my denim shirt all dark with sweat
I'm just pushing the paint around
On advice from your lying mouth
You touched me and then you ran
And left a sad Peter Pan
All alone and awkward
But a transformation, I swear it will occur.

*and swear i will.

Rave and Rants

mukhang nagkakatamaran na naman ata tayo.
sorry pero wala ko sa mood makipaglokohan sa prof ko ngayon.
andaming problema bakit kailangang last minute pa nagkakasolusyon.
i care too much about Explore for its activities not to push through.
kaya natin 'to.
God will find a way.
MBS? Life's a beach.
basta ako, one drowning pating.
Go Fighting Patings!
Sorgie!!
kamusta naman tayo dyan?
all apologies. misyu guys!
Weather?
how bad can it be. it gets gloomier and gloomier.
sabayan daw ba ang emotional weather ko.
glad im starting to see the light.
willy wonka?
i asked what would be it like without the "pure imagination" thingy,
it was real good.
really enjoyed it.
what can i do? im a fan.
rise all grunge lovers out there!

magandang emo background pala ang hootie and the blowfish pag umuulan at may emotional struggles ka pa.
hmmm...
magkano bang pera ko?
tsk..tsk..

*pasintabi lang, malungkot lang kasi.

one gloomy day the dam broke free

"a heart can only take so much..."
-The Corrs-


just recently, i began to realize stuff. it dawned on me that i've been ignoring quite a lot of things that i don't like about him. i overlooked these instances pretending like it's the most normal stuff on earth, and hey, i was blinded, i admit. much to my amazement, we are still two, completely different person. understanding one person is one thing, but understanding a rather complicated persona is another. especially, if they're too stubborn to accept changes. i admit i am a 7-year-old child running around a big kid's college campus.i am aware of my inner self and can be a bit immature most of the time.but i know where to draw the line. i can be a "deep" person if the circumstance asks for it but i guess, we're all too busy to care much for what other people might think.

i am still at loss for words, so i understand that what i am writing is a total wreck. there. just want to unload some of those "stuff".


*thanks ate for the help earlier and for the advice too.
** for friend number 2 (even if she never gets to read this), i am moving forward...slowly.

Tuesday, August 09, 2005

nothingness..

magpatung-patong daw ba kamalasan sa buhay ko ngayon?
grr! pesteng acead life to..hmmpp
kaasar.
tagal kong di gumawa ng artik.
wala pang kwenta mga ginagawa ko.
aaaarrrggghhhh..
gusto kong sumigaw ng malakas na malakas.

Wednesday, August 03, 2005

haven't seen any tv and big screen for a while..



one of my favorite movies in the land!

ang kukulit ng magbabarkadang 'to.

sobrang...stoned!

ganda ng soundtrack din...kaya lang syempre yung iba puro from KISS.. nevertheless..ok.

wish i could watch a movie soon.

A new (and digusting) look!

i tried this new look,
enough of pink.
it's just so not me.
but i found out that i don't like this much also.
it looks
so...
so bland.
yeah, probably.
i'll change it soon as the storm in my head clears.

so, for the moment
bear with me.

*i don't like it's "orangeness", or i'm just getting color blind?

Monday, August 01, 2005

Random and Silly things

ang kulit ng friendster..hmpph..kaasar.
I passed my math exam!
di ko nakita si clark today..:(
did quite a lot of things today..efficient ba?!haha
somebody's text made me smile a while ago.hehe
I passed my math exam!
i've got to know his secret...soon!
want to watch a movie..been a while.
i miss my 3 bulbs!
where the heck is slime and big dipper?
all righ, all right..clark isn't exactly in my age bracket, so what?
I passed my math exam!
I think i'm really loving Ronald Weasley more and more!
gusto ko ng ice cream!
gusto ko ng bagong book..waahh
ate? you are schmuck's beloved liar, right?
honey! kumusta na ang pagiging bangag?
mariela! anong petsa na?
sana sa pasko may magregalo sakin ng libro (nagpaparinig talaga ko, people out there!haha)
kung sino man ang walang pusong taong umangkin ng paborito kong libro na Starlight Crystal....ibalik mo na sakin yon! Arrrggghhh..Karma.ever heard of Karma?ang hirap hanapin non lam mo ba yon?

end of rantings.

*did i ever mentioned i passed my first math exam? okay, okay. last na 'to. :) wahoo tlga.

*sigh*

i like the way he raises his eyebrows,
i like the way how he remains silently sane despite the chaos around.
i like his unusual innocence, reminds me of my lost one.
i like the way he laughs when nobody else is around us.

but i hate feeling this way.

Now, this is what you call HAPPINESS

i am so happy!
my little self is still dancing somewhere in the depths of my forgetful mind.

i passed my first exam in math 11!
i know i sound shallow but people who know me well knows how much this thing means to me.

i am so, so happy!
i sound redundant and all but i could care less..

you see, i'm insanely happy i could have kissed the guy next to me..or not.

i'm HAPPY. period

*thanks a bunch Big Guy!

Thursday, July 28, 2005

It's Baaaccccckkkkk!!!!







Finally. akala ko wala na talagang pag-asa na ibalik ang against the flow sa airwave. buti na lang may mga kind soul na gumawa ng paraan para maibalik ang show na ito!

asteeg kayo!

salamat!

He rocks!

Monday, July 25, 2005

friends *-*





*sorry at di ko nailagay yung iba. ang panget kasi, deformed! sayang! pero gagawan ko ng paraan yun mga dramachine babies.:)

images from aurora

the team..

go bazal, go bazal, bazal...

sabang at night..


ang mga puno ng niyog..
Kakamiss talaga ang Aurora, in fairness!
Sana mapuntahan nyo din 'tong lugar na 'to, astig e!

Sunday, July 24, 2005

DULLNESS

hay, almost two weeks na din ang dumaan ng walang lakwatsahang naganap.
windangers kasi ang mga aurora people ngayon. what with pinky's constant nagging about our PSEPs and maps. pambihira. buti nga, medyo napahinga sa 199 (after that draining wednesday!), 183 at 185.

right now, i'm beginning to hate somebody. kaso,it's not in my vocab to hold a grudge to anyone. i mean, anyone. have to find things to look forward to. may ps2 nga pala next week! at orientation ng UP Explore! sana maging successful.

namimiss ko na ang sorg.somebody sent me a friendster message yesterday.unexpected person.hmm..surprising. di na ko nakakapagsalita ng bikol! hayyy.. (an crush ko, amo pa man gihapon, minsan maogma kay nahihilingan.kaupod ko man kunta,pero harayuon man . basta, kalibong! kauyam).hehe.


*sorry for a bit of bikol lines..hope you don't understand what it means.haha!

i see you...

proximity is dangerous even if one thinks it's all too good.
can't be near nor too far..
nearness could be an advantage, so is distance too. in many ways or so..
but being near could only mean holding back.

but i"m too glad i was there when you needed it, after all i was near.

Thursday, July 21, 2005

sleep deprived child

due to the increasing number of loads from different subjects, I have no choice but to cut working hours from my sleeping hours. The amount of work I am (and most of my friends) doing lately is enough to keep everybody’s head to burst out any second.

one good thing about it, though, is I know I am not alone in this insanity. Whenever I feel like talking to anyone about this mayhem, I’m sure someone out there would be bound to answer right away.

Here’s to the sleepless nights we shared and will continue to share.

Rock!

*we did it! Hang on for the next blow…

treading to live

Matagal ko nang gustong matutong lumangoy. Syempre, feeling ko kasi alien ako sa gitna ng mga taong parang isda kung lumangoy: walang ka-effort effort! At feeling ko, praktikal lang talaga yun dahil dios mio, tayo’y nakatira sa isang bansang napapaligiran ng tubig.

Sad to say, di nagkaron ng chance. Ewan ko ba. Dahil wala ding nagtyagang magturo siguro. Hanggang sa ayun, eto na ko. Sariling langoy lang ang alam. Bahala na,keep off the deep parts na lang. pero di ibig sabihin non na wala akong hilig sa tubig. Kabaliktaran pa nga e. masaya sa tubig. Mapa-ulan, swimming pool, dagat at kahit sa baha! Haha.

Pero never naman ako nawalan ng pag-asa na matututo din akong lumangoy someday. Dahil sa isang episode sa discovery channel, yung “so you wanna be…?” kids segment, na napanood ko nung high school. Isang featured na trabaho that time e isang dolphin trainer. Inspiring. kasi sabi nya, hindi talaga sya marunong lumangoy bago sya pumasok dun. 21 years old na sya ng matuto syang lumangoy. So, simula non, binibilang ko na kung ilang taon na lang ang natitira sakin para matuto kong lumangoy.

Eto, 21 na ko. Muntik na. Buzzer beater ika nga. Kahit na ayokong sumali ng bagong org, nagkaron ng dahilan, para lang matutong lumangoy once and for all.

Yung first pool session e medyo disappointing sa umpisa. Sabihin na lang nating di ganun ka-keen magturo ang mga mems. Buti na lang matiyaga yung inassign sakin. Hay, so thankful for that. Di nga ko makapaniwalang nagawa ko ng maayos yung mga pinapagawa nila sakin. Pag pinatalon, talon na lang. bahala na. swim for your life na lang. naisip ko kasi, instinct na natin yung lumangoy kapag feeling natin malulunod na tayo. Ganun yung sakin. Wag lang nila kong orasan sa pagte-tread.

Ang sarap ng feeling ng naka-fins at nag-i-snorkel! Hay…kakaiba.

At eto pa ang pinaka-astig, nakatalon ako sa tubig na 12 ft ang lalim from 5 meters above! Ha! Ako na hindi makalangoy to save my own life e nakalangoy. Astig!

*salamat kay Bry ng MBS at kay Carlo na din, sa walang sawang pag-aahon samin. Kay Kimi (na anak ng tubig!), sa pagpilit sakin,sa pagpapahiram ng gears at sa mcdo. :)